Lowbat ang peg sa rehearsal...Kristel Fulgar, emosyonal ang pagkakatanggal sa fan meeting ng idol na k-actor!

Seo In-guk at Kristel Fulgar

MANILA, Philippines — Hindi napigilang maging emosyonal ng aktres/singer na si Kristel Fulgar habang ikinu­kwento niya sa kanyang vlog ang nangyari kung bakit bigla siyang kinansela bilang host ng fan meeting ng sikat na Korean star na si Seo In-guk held last Aug. 12 at the New Frontier Theater.

Simula ni Kristel sa YouTube vlog na in-upload last Tuesday, in her 20-year showbiz career ay ngayon lang daw niya naranasan ang ganitong pangyayari.

“First time kong naka-experience ng ganitong scenario sa 20 years ko sa industriya ng entertainment. Nandito na ako (New Frontier Theater), 7 a.m., nag-rehearse and then, eventually, sinabihan ako ng (Korean technical) director na hindi na raw ako ang magho-host,” teary-eyed na kwento ni Kristel.

“Parang ‘huh?’ Sandali lang naman, parang ano nangyari? Parang ang tagal ko ‘tong prinepare, ang tagal ko prinepare ‘yung sarili ko rito and…” mangiyak-ngiyak pa niyang lahad.

“Wala akong ibang tinanggap na hosting kung hindi ito lang event na ‘to. Kasi nga, dahil para kay Seo In-guk. Alam ko, hindi naman ako super expert sa hosting, pero alam ko na kaya kong kumonek sa mga kapwa ko fans ni Seo In-guk. Kaya ‘yun talaga ang pinakagusto ko,” aniya.

She admitted na matagal na siyang fan ng nasabing Korean actor na napanood sa mga K-drama na Reply 1997, Café Minamdang, Doom at Your Service, The Smile Has Left Your Eyes at marami pang iba.

“Eleven years akong fan ni Seo In-guk kaya kahit hindi ko forte ang hosting, tinanggap ko ‘to kasi tinitingnan ako as representative ng mga fans ni Seo In-guk. So, hindi lang ako basta magiging host sa stage, kundi magiging fan ako,” she said.

“Since rehearsal ‘yun, hindi ako sanay na ibigay ‘yung 100% energy ko. So, kung nakulangan sila sa energy dun the rehearsal, sabi ko po, ‘I will do my best’

“Nag-e-expect ako na ipapaakyat ulit ako sa stage para mapakita ko ‘yung 100% na sinasabi ko, pero hindi raw,” patuloy ni Kristel.

And right that moment ay kumontak na raw ng ibang host ang team ng fan meeting. “Hindi man lang ako binigyan ng second chance para mapatunayan ‘yung sarili ko,” ani Kristel.

Kasunod nito ay emosyonal na nag-sorry ang dalaga sa kanyang fans and supporters. “At nahihiya ako sa mga taong nag-expect na ako ‘yung haharap sa kanila. I’m so sorry guys. Alam ko na may mga fans ako, supporters na bumili ng ticket para mapanood ako sa stage. Para mapakita ko ‘yung kilig ko kapag nasa stage na ako with Seo In-guk, pero hindi ko ‘yun maibibigay,” she said.

Ang DJ na si Karen Bordador ang humalili kay Kristel bilang host ng naturang fan meeting.

Sa kabila nito ay thankful pa rin naman daw si Kristel na na-meet niya ang kanyang idolo at binigyan naman siya ng opportunity na magkaroon ng one-on-one interaction with Seo In-guk.

Makikita nga sa kanyang Instagram page ang interaction nila ng nasabing Korean heatthrob, nag-duet pa sila ng kantang All of You, at nakapagpa-picture pa siya. Bukod dito ay pinaupo pa siya sa front seat para manood ng fan meeting.

Samantala, ang fans ni Kristel ay galit na galit kay Karen at bina-bash ito ngayon dahil sa nangyari.

Sumagot naman ang DJ sa kanyang X (dating Twitter) account. “After receiving mean and baseless IRRATIONAL hate I didn’t deserve…now what? So easy to point fingers but naturally no accountability taken. Damage is done! Karma comes in many forms. Hope you learned something. God bless!” tweet ni Karen.

Show comments