Zsa Zsa, magsasaka na!

Zsa Zsa

Kahit pala patuloy na napapanood sa telebisyon, nahanap na pala ni Zsa Zsa Padilla ang home away from the City niya na pag-aari nila ng partner niyang si Conrad Onglao sa Lucban, Quezon.

Nagbago na nga raw ang kanyang lifestyle at ngayon ay farmer na siya. Inamin naman niyang hindi madali ang pagiging farmer. Kung inaakala ng iba na nakaka-relax ito ay nagkakamali sila dahil manual labor day ito ayon sa nanay ni Karylle.

Aniya, “Farming, actually, is not a relaxing job. It’s very hard work. It’s manual labor.”

Naglalagi siya sa kanilang Casa Esperanza na pwedeng bisitahin ng publiko sa pamamagitan ng pag-book sa Airbnb.

Ang ganda-ganda ng kanilang Casa Esperanza. Nakaka-relax ang hitsura nito sa mga litrato kaya hindi masisisi si Zsa Zsa kung dito na siya madalas maglagi ngayon at abala sa pagtatanim.

Meron pa itong greenhouse kung saan pwedeng ganapin ang informal lunches.

Bukod dito ay meron pang five minutes mula sa Casa Esperanza ay pinatatayo nila ang kanilang farm na tinatawag na Esperanza’s Farm. Bongga.

Show comments