FDCP, pinagsama-sama ang mga baguhang Filmmaker

MANILA, Philippines — Parami nang parami na ang mga bata, baguhan pero mahuhusay na filmmakers kaya marami sa kanila ang hindi namin nakilala sa Filmmakers Night hosted by Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pinamumunuan ng chairman at veteran actor na si Tirso Cruz III.

Ang Filmmakers Night ay ginanap sa Ernesto Bistro sa Harbour Sqaure, CCP Complex Manila na dinaluhan mismo ni Pip (Tirso Cruz III), ang president ng Cinemalaya Foundation, Inc., ang actress-director na si Laurice Guillen, Jose Javier Reyes, Carlitos Siguion-Reyna, Dan Villegas, Ruel Bayani at marami pang iba. Namataan din namin doon ang actress-producer na si Harlene Bautista kasama ang kanyang nobyong si Federico Moreno, isa sa mga board members ng MTRCB.

“Marami rin sa kanila ang hindi personal na magkakakilala,” pahayag ni Pip. “This is the reason kung bakit nag-host ang FDCP ng Filmmakers Night para sila’y magkakila-kilala,” aniya.

Habang parami nang parami ang lumulutang na mga bata at potential filmmakers, kakaunti na lamang sa veteran directors ang nabibigyan ng proyekto na isang sad reality.

Samantala, nagpapasalamat si Chairman Pip kay Direk Joey Javier Reyes at iba pa nitong mga kasamahan na malaki ang naiaambag na tulong sa FDCP at sa industriya.

Robert Arevalo, nakagawa ng halos 100 pelikula

Nagluluksa na naman ang industriya ng pelikulang Pilipino sa pagpanaw ng isa sa mahuhusay, respetado at award-winning actor na si Robert Arevalo (Robert Francisco Ylagan sa sa tunay na buhay) na nagmula sa angkan ng showbiz royalty.

Bukod sa pagiging mister ng isa pang mahusay at respetadong veteran actress na si Barbara Perez.

Hindi na umabot si Robert sa kanilang ika-61st wedding anniversary ng wife niyang si Barbara nung nakaraang Aug. 11 dahil ito’y sumakabilang-buhay isang araw bago ang kanilang anibersaryo.

Si Robert ay nakagawa ng halos isang daang pelikula and about 30 TV programs at teleserye.

Since last year ay in and out na ng pagamutan si Robert bago ito binawian ng buhay nung Aug. 10 ng umaga. Nakapag-celebrate pa siya ng kanyang 85th birthday nung May nakaraang May 6.

Ang mag-asawang Robert at Barbara ay may dalawang anak na parehong babae – sina Anna at Gina.

Last day ng burol kahapon, araw ng Linggo, kay Robert sa Arlington Memorial Chapels in Araneta Avenue, Quezon City.

Sa mga mahal sa buhay na iniwan ni Robert, ang aming taos-pusong pakikiramay.

Show comments