Joey, tinapatan ang renewal ng trademark ng Bulaga!

May sagot kaagad si Joey de Leon sa court decision ng trademark renewal ng Eat Bulaga - TAPE, Inc. (basahin ang detalye sa Ganern ni Gorgy Rula).

Nung nakaraang Friday, ayon sa lawyer ng TAPE Inc., ay nakuha nila ang decision ng court.

Sagot ni Joey de Leon kahapon kahit walang binanggit na ibang details : “Sa kanila ang RENEWAL, sa amin ang NUMERAL! Thanks for promoting us for the next TEN years! I’m still with EB, ah ah, not that EB but with Ellen and Barbie!”

Nag-react din dito si former Sen. Tito Sotto at sinabi sa kanilang programa na “Trademark but not COPYRIGHT. Copyright ang amin. Magsawa sila sa trademark basta amin ang copyright.”

Show comments