^

Pang Movies

Anthony, ‘di pa limot ang negosyanteng ginamit ang kanyang anak!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Anthony, ‘di pa limot ang negosyanteng ginamit ang kanyang anak!

Galit na galit ang broadcaster na si Anthony Taberna sa isang seller ng barley grass sa Facebook. Ginamit daw noon ang picture nila at sinasabing kaya gumaling sa sakit ang kanyang anak na si Zoey ay dahil sa pag-inom ng kanilang barley grass.

Nadiskubreng may leukemia ang anak ni Anthony more than a year ago kaya nga dinala pa nila ito sa Singapore upang ipagamot at gumaling naman.

“Hindi lang panloloko ang ginagawa ninyo, pagnanakaw iyan at ang biktima pa ninyo ay ang mga kawawang taong may sakit,”  sabi niya sa social media mismo.

Naiintindihan namin si Anthony, dahil kami man ay nabiktima na rin niyang mga iyan. Naniwala kami sa kanila iyon pala ay fake ang gamot at lalo pang nakasama.

Nag-warning ang aming doctor na kung gusto raw naming mawala nang maaga, makinig kami sa mga nagtitinda ng gamot sa Internet.

Maraming pekeng gamut na nagkalat ngayon sa internet na ginagamit pa nila ang mga artista.

Ang madalas nilang sabihin kaya online sila ay dahil para makatipid ang mga bumibili dahil wala silang pwestong binabayaran.

Meron pa nagbebenta na ginagamit ang pangalan ng mga ospital na kunyari ay sila ang supplier.

Maging si Health Undersecretary Maria Rosario Vergiere ay kasama sa ginagamit nila na galing pa raw Japan ang ini-endorse na gamut at food supplement.

Kaya ang social media ay para lang sa entertainment at hindi dapat pinaniniwalan ang lahat ng balitang nababasa rito dahil karamihan diyan ay fake, at lalong hindi dapat bumili ng mga gamot.

Paolo Contis, naiyak

Mangiyak-ngiyak si Paolo Contis habang nagpapaliwanag sa kanilang celebration ng ika-44 na taon ng Eat Bulaga. Inamin naman niyang hindi talaga sila bahagi ng 44 years ng show, nataon lamang na sila nga ang mga host ngayon ng programa. Inamin din niyang nasasaktan sila pag tinatawag silang Fake Bulaga. Wala naman daw silang ginagawang fake. Wala rin daw silang nakikitang fake lalo na sa ngiti ng mga audience na nasisiyahan naman sa kanila.

Talagang hindi fake ang ngiti ng mga nanood sa kanila nang live dahil lahat ng taong naroroon diumano ay binibigyan nila ng one thousand bawat isa.

Male starlet nagkalat ang ginawang kahalayan

Dismayado si male starlet, dahi isang umaga ay may nagpadala sa kanya ng maikling video, nang buksan niya iyon, pinagdugtung-dugtong ang lahat ng mahahalay niyang eksena sa isang ginawa niyang bakla serye.

Talaga palang napakahahalay ng mga eksenang kanilang ginawa at ang isa pa niyang kinatatakutan ay nangyari, may naglabas ng video na iyon sa social media, at maraming mga kapanalig nilang bakla na nag-share noon kaya kalat na kalat na ang lahat ng kahalayang ginawa niya.

Eh oras na lumabas na iyon sa Internet, sino pa ang
magbabayad para panoorin iyon, at tiyak sasabihin na naman sa kanya ng producer na lugi kaya hindi na siya mababayaran.
 

ANTHONY TABERNA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with