May napanood kaming video ng wedding nina Cong. Arjo Atayde at Maine Mendoza at emosyonal sila at ang pamilya nito. Si Arjo, namumula ang mga mata at paiyak na. Namumula rin ang mga mata ng brother nito na si Xavi at ang mom na si Sylvia Sanchez, malapit na ring umiyak. Ang dad naman niya, nakatingin habang naglalakad sa aisle si Maine.
Kuwento naman ng isang kaibigan ni Arjo, nanginginig ang kamay ni Arjo nang kunan niya ng picture ang wedding ring nito. Comment ng fans, maganda ang wedding ring ng married couple.
Mayroon namang hinanap ang tweety bird tattoo ni Maine sa kanyang balikat, bakit daw wala, kaya may mga naniwalang clone ni Maine ang pinakasalan ni Arjo dahil wala raw tattoo si Maine. Natigil lang ang paghahanap nito ng tattoo nang sabihang tinakpan ‘yun ng makeup.
Pinakakuwelang comment pa ay nang mag-congratulate si Rodjun Cruz kay Maine sa Instagram nito. Bakit daw nag-congratulate si Rodjun eh, isa siya sa groomsmen ni Alden Richards sa kasal nila ni Maine? Ang kasal nina Alden at Maine sa Kalyeserye ang tinukoy ng AlDub fan.
Parang hindi titigilan si Maine ng ilang AlDub fans sa isyung kasal na sila ni Alden kaya fake ang kasal nila ni Arjo.
Mavy, may kontrata na sa tape
Kasabay ng 44th anniversary ng Eat Bulaga ang launching ng bagong theme song ng noontime show ng TAPE Inc., na kinanta ng mga host ng show. At naging emosyonal si Paolo Contis habang ipinapakita ang bagong theme song. “Ang gusto namin fresh lang kaya mas pinaganda namin ang kantang ito na mas akma sa bagong panahon at bagong panlasa. Pero ang puso at hangarin ng Eat Bulaga siyempre hindi po ‘yan mawawala kalakip ito ng kanta dahil siyempre nilikha ito para sa inyo. All for you dahil 44 na tayo,” ani Paolo.
Hirit naman ni Isko Moreno, “For the first time in 44 years sabay-sabay nating maririnig ang bagong kanta na magbubukas ng masayang tanghalian dito sa Eat Bulaga.”
Sa simula pa lang ng show, emosyonal na sina Paolo at Isko at pati ang opening spiel ni Paolo, emosyonal din at may binanggit siyang “Lumipas man po ang panahon, sa kahit na anong pagkakataon, maiba man po ang mga artistang humaharap sa inyo araw-araw, ang hindi po magbabago ay ang hangarin ng Eat Bulaga na magbigay ng saya at magbahagi ng pag-asa.”
Samantala, sina Paolo at Isko lang ang nakita nating pinapirma ng kontrata ng TAPE Inc., pero ayon kay Mavy Legaspi, pumirma na rin silang ibang hosts ng Eat Bulaga. Hindi lang daw in public at walang coverage ng media ang kanilang contract signing.