Juliever, komportable na sa laplapan

Juliever

MANILA, Philippines — Sinuportahan ng fans nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ang premiere showing ng pelikulang The Cheating Game na pinagtambalan ng dalawa na kasalukuyan ng napapanood sa mga sinehan.

Naganap ang premiere showing nito sa SM North The Block noong Lunes ng gabi.

Sa totoo lang, maganda ang movie na tiyak na ikinakilig ng supporters ng mag-jowa lalo na ang romantic at kissing scenes nila.

Mas lumalim na ang relasyon nila kaya parang wala na silang ilangan sa kanilang mga eksena.

Bukod sa iba pang cast ng The Cheating Game ay sinuportahan din ang premiere showing ng mga kaibigang artista ng magkarelasyon tulad nina Ruru Madrid, Rodjun Cruz, Dianne Medina, Mavy Legaspi at Kyline Alantara.

Maaaliw kayo sa movie na kakaiba ang tema pero interesting.

Nag-open ito sa mga sinehan noong Miyerkules, July 26.

Alden, buong agosto sa MPK

Alam ng lahat ang pinagdaanan ni Alden Ri­chards bago niya narating ang kinalalagyan niya ngayon.

Pero alam ng lahat na kahit narating ni Alden ang rurok ng tagumpay ay nakatapak pa rin sa lupa ang mga paa niya at patuloy pa rin siya sa pagsisikap para mas mahasa niya ang galing niya sa pag-arte at sumusubok pa sa iba’t ibang role na pinapangarap niya na magaganda.

Ngayon August ay binigyan siya ng pagkakataon na makaganap ng iba’t ibang role sa apat na Sabado ng August as special ng Magpakailanman.

Kaya abangan ninyo tuwing Sabado ng August.

Show comments