Direk Chito, naiyak sa sorpresa ng Streetboys

MANILA, Philippines — Naging emotional si Direk Chito Roño nang tanggapin ang Lifetime Achievement Award mula sa 38th PMPC Star Awards For Movies na ginanap sa Centennial Hall ng Manila Hotel. Lalo na nang makita niya in full force na dumalo ang mga alaga niyang Streetboys na sinorpresa siya sa nasabing okasyon.

Ayon kay Direk Chito, hindi niya ipinaalam sa mga alaga na gagawaran siya ng prestihiyosong award at hindi niya inaasahan na nandun ang mga ito. Kaya sobra ang pasasalamat ni Direk Chito sa PMPC sa pagkilala sa mga achievement na nagawa niya sa industriya ng pelikulang Pilipino at naniniwala siya na babangon muli ito sa pagkatapos ng pandemya.  

Show comments