Gone but not forgotten. Ito ang gustong ipaabot ng mga anak ng late actress na si Cherie Gil na sina Raphael at Bianca Rogoff nang ipagdiwang nila ang kaarawan ng kanilang ina noong nakaraang June 21.
Kung buhay pa si Cherie, she would have turned 60. At sa Instagram ay pinost ng magkapatid ang series of photos ng kanilang ina.
Caption ni Raphael: “You’d be 60 today so I’m missing you a little more than usual. We should be dancing in the park and feeling the grass between our toes. Or celebrating over dinner and drinks, wondering, ‘where does the time go? You moved on 321 days ago, with 1440 minutes in a day and you brushing my mind at least ten times, I’ve thought about you 46,224 times or something like that… not particularly keeping track. For a while life has felt grim, but I think of you and you give my frown a spin. We were always laughing. We still are. I carry you with me always, near or far, in my heart. Thank you for teaching me how to live, Momma! Happiest of birthdays.”
Pumanaw ang award-winning actress noong Aug. 5, 2022 dahil sa sakit na endometrial cancer. Huling napanood ang tinaguriang La Primera Contravida sa GMA teleserye na Legal Wives noong 2021. Hindi niya tinapos ang teleserye dahil nagdesisyon itong manirahan na sa New York at binenta niya lahat ng kanyang mga ari-arian sa Pilipinas.
Pinaka-memorable role ni Cherie ay ang pagganap niya bilang si Lavinia Arguelles sa 1985 film na Bituing Walang Ningning na pinagbidahan ni Sharon Cuneta. Ang iba pang unforgettable performances ni Cherie ay mula sa mga pelikulang City After Dark, Ito Ba Ang Ating Mga Anak?, Oro Plata Mata, Ang Bukas Ay Akin, God Save Me, Sugatang Puso, Darna Ang Pagbabalik, Wating, Sonata at ang huling pelikula niya na Elehiya.
Andrea, natupad ang pangarap na korona
Natupad din ang isa sa naging pangarap noon ni Andrea del Rosario na siya ay makoronahan bilang reyna. Noong nakaraang June 18 ay kinoronahan si Andrea bilang Queen Tourism Ambassadress 2023 ng Mrs. Universe Philippines Foundation sa Rizal Park Hotel in Manila.
Pinaghandaan ng Dirty Linen star ang pagrampa niya sa stage at suot niya ang sexy tulle gown na gawa ng kanyang kaibigan na si Regine Tolentino.
Proud si Andrea na nakasama siya sa grupo ng mga empowered women ng gabing iyon kaya gagawin niya ang kanyang makakaya para magampanan ang binigay na titulo sa kanya bilang tourism ambassadress.
“A night of women empowerment, showcasing womens grace, elegance and beauty at the @mrsuniversephilippines . Thank you for the recognition,” caption pa ng aktres sa kanyang FB post.
Sumali noong 2001 si Andrea sa Miss Earth Philippines at naging 4th runner-up siya. Bukod sa pagiging isang artista at businesswoman, sinubukan niyang pasukin ang pagiging pulitiko at na-elect siya bilang vice mayor ng Calatagan, Batangas noong 2016 hanggang 2019.
Beverly Hills 90210 Shannen Doherty, nakikipaglaban sa breast cancer
Kinuwento ng Beverly Hills 90210 star na si Shannen Doherty ang latest journey niya sa pakikipaglaban sa stage 4 breast cancer.
Sa kanyang Instagram, kinuwento ni Shannen na dumaan siya sa panibagong surgery para tanggalin ang tumor sa kanyang utak. Nag-metastasize na raw kasi ang cancer niya at kumalat na ito sa kanyang utak.
Ayon sa 52-year-old actress: “I had a tumor in my head they wanted to remove and also biopsy. I am clearly trying to be brave but I am petrified. The fear was overwhelming to me. Scared of all possible bad outcomes, worried about leaving my mom and how that would impact her. Worried that I would come out of surgery not me anymore. This is what cancer can look like.”
Unang diagnosed si Shannen with breast cancer in 2015. Sumailalim siya sa mastectomy and received chemotherapy and radiation therapy. She went into remission pero noong 2017 bumalik ang kanyang cancer.
Sa gitna ng kanyang karamdaman, nakipaghiwalay siya sa kanyang mister na si Kurt Iswarienko at nag-file siya ng divorce noong nakaraang April 2023.