^

Pang Movies

Dahlia, marunong na ring mag-French!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Dahlia, marunong na ring mag-French!
Erwan at Dahlia

Ang cute naman nina Erwan Heussaff at daughter nila ni Anne Curtis na si Dahlia. Bilang pagselebrayt sa Father’s Day, gumawa sila ng cooking video.

Ang cute ng little sous-chef na si Dahlia.

Pinatunayan nilang isa sila sa pinaka-cool na father-and-daughter tandem. At ang galing din ni Dahlia na ipinakita ang kanyang language skills.

Habang kumakain ito ng carrots at tumutulong sa kanyang daddy, nagsasalita ang bagets ng French at English.

Caption ng mister ni Anne, “Let’s chop chop chop the kiwis. Making crispy dumplings with Dahlia. Thanks for being the coolest daughter.”

Nakaka-good vibes panoorin ang daughter nila dahil sa napaka-cute nitong facial expressions at mga komento nito habang nagluluto ang kanyang tatay.

Pati nga ang kapatid ni Anne na si Jasmine Curtis ay napakomento ng “Best father daughter duo.”

Pati ang ilang celebrities ay naaliw kay Dahlia gaya nina Isabelle Daza “Cutieeee,” at Iya Villania “The best one yet,” na may heart emoji.

Nag-request naman ang netizens na mag-post pa sila ng video kung saan nagsasalita si Dahlia ng French na hinangaan nila. Siguradong mas gagaling pa ito habang lumalaki. Bongga.

vuukle comment

ERWAN HEUSSAFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with