Idol ko si Mother Lily Monteverde. Sa yaman niya hindi mo siya makikitang naka-signature bag o shoes, o puno ng suot na alahas. Pero siya ang perfect model ng woman of power.
Hitsurang mga nakabihis o puno ng celebrities ang isang room, pagpasok ni Mother Lily sa kanya pa rin nakatutok ang mga mata ng lahat. Iba ang confidence niya, iba ang aura of power niya.
Iyon ang tatak ng isang tao na hindi kailangang magsuot ng alahas o signature outfit. Ikaw mismo ang brand ng pagkatao mo.
Sa palagay mo ba kundi naka-dress code si Mother Lily palalabasin siya at hindi papapasukin sa isang pagtitipon? Ang importante ang presence niya, hindi ang suot niya o ang ayos niya. Ikaw ang brand ng sarili mo, makikita mo ang importance mo sa acceptance sa iyo.
Never doubt yourself, ikaw mismo dapat alam mo kung ano ang kaya mo. Noong bagong pasok ako sa showbiz hindi siguro ako nag-survive kung wala sina Douglas Quijano at Bibsy Carballo. Parang sila ang naging sponsor ko para matanggap ako ng mga naunang showbiz writers na may pagka-snobbish at maldita.
Kaya noon pa alam ko na importante ang circle of friends para maging maayos ang lagay mo sa anumang trabaho.
Suwerte kami dahil sa Regal Films ni Mother Lily kami lumaki nila Alfie Lorenzo. Nasa top of the line kami, maganda ang naging formative years namin.
Ay naku, those were the days, ang sarap-sarap. Bongga.