Jayson, ipinagmalaki ang cum laude na anak

Ang bongga naman ni Jayson Gainza. Proud na proud siya sa kanyang anak na si Ruby, na kaka-graduate lang bilang cum laude sa University of Santo Tomas.

Ibinahagi ng Kapuso actor ang mga litrato nila sa graduation ceremony nito.

Sa caption niya sa kanyang post, nagpasalamat siya sa regalo ng anak sa kanila ng kanyang misis. “Congrats anak @ruru_sthetic64 luv u salamat sa regalo mo sa amin ni mama mo #cumlaude #bspsychology #universityofstotomas 

“sulit lahat ng pagod puyat at pagtytuaga mo. Yan yung susi mo sa bagong yugto ng buhay mo.”

Kahit sinong magulang ay magiging proud sa pagtatapos ng kanyang anak, bonus pa na magkaroon ito ng award. Kaya naman lutang ang saya ni Jayson at ng kanyang misis sa litrato nila kasama ang kanilang anak.

Sa isa pa niyang post ay nagpasalamat din siya sa kanyang TikToClock family na pinayagan siyang maka-attend at maihatid sa entablado ang anak.

Show comments