Sheryl, aminadong 50/50 sila ng mister sa anak   

Ipinagmalaki ni Kapuso actress Sheryl Cruz sa kanyang Instagram post, ang pagtatapos ng anak niyang si Ashley Bustos, as a summa cum laude sa psychology course nito sa San Francisco State University this May.

Naging emosyonal si Sheryl na hindi makapaniwalang napagtapos ang anak at with top honors pa. Nag-sorry pa siya sa anak dahil magkahiwalay silang mag-ina since narito naman sa bansa ang trabaho niya.

Kaya para makabawi sa anak, ilang araw pa before Ashley’s graduation, pumunta na siya ng Amerika dahil nagkataong birthday rin ng anak sa mismong graduation nito.

“I’m very excited and very proud of her because effort niya lahat ito,” dagdag pa ni Sheryl.

“Kalahati lamang ako na nagbigay ng shares kung anuman ang meron siya ngayon a kalahati naman ay mula sa family ng tatay niya. Kaya I’m very grateful kasi kahit na malayo kami sa isa’t isa, hindi nasa­yang yung effort.”

Hindi rin magtatagal sa San Francisco si Sheryl dahil kasalukuyan siyang nagti-taping ng bagong afternoon GMA Afternoon Prime series na Lilet Matias: Attorney-at-Law na pinagbibidahan ni Jo Berry.

Sunshine, may offer na Hollywood film?!

Thankful and feeling blessed si Kapuso actress Sunshine Cruz dahil sunud-sunod pala ang projects na ginagawa niya, movie at teleseryes. Katatapos nga lamang niyang gawin ang GMA Afternoon Prime series na Underage, at sinundan na ito ng shooting ng isang movie.

Kaya hanggang July, ay hindi pa raw niya kayang tumanggap ng bagong offer. Kaya hesitant siyang tanggapin ang isang Hollywood film na binanggit sa kanya ng manager niyang si Arnold Vegafria.

Sa ngayon ay very happy si Sunshine dahil pare-parehong dean’s listers ang three girls nila ni Cesar Montano, sina Sam, Angelina at Angel Francheska. On speaking terms na sila ni Cesar ngayon kaya madalas daw mag-bond ang mag-aama. Sabi nga, the wound has slowly healed with time.  “I saw my kids Instagram photos of their lunch get together with Cesar.  They are very happy. My children’s joys are mine.”

Sa ngayon, ay loveless si Sunshine, after she broke up with Macky Mathay.

Show comments