Anak ni Jolo, naka-graduate na

Graduate na rin sa senior high ang anak ni Cong. Jolo Revilla na si Gab.

“This is the beginning of a wonderful future for you, brace yourself for the adventure and excitement that awaits you. We love you and we are very proud of you. Congratulations Gab!,” post ni Jolo kasama ang kanyang wife na si Angelica Alita na tumayong ina na ni Gab.

Si Gab ay anak ni Jolo sa anak ni Rosanna Roces na si Grace Adriano na walang update kung asan na ngayon.

Around 16 to 17 years old lang nang ma­ging ama si Jolo kaya lagi niyang sinasabi na strict siyang ama dahil ayaw niyang maging batang lolo.

“Siyempre, kapag na-expose kaagad siya sa pornography and everything baka maging batang lolo naman ako, ‘di ba,” in a nutshell na sabi niya sa isang interview noon.

Show comments