Lotlot, ipina-NBI ang bashers ni Janine!  

Lotlot at Janine

Inamin ni Lotlot de Leon na nagkaroon talaga ng pagkakataon na humingi siya ng tulong sa National Bureau of Investigation (NBI) para i-report ang bashers ng anak niyang si Janine Gutierrez.

Ito raw ‘yung panahong nagsisimula pa lang daw ang anak sa showbiz at siya pa raw ang manager nito.

Itsinika ito ni Lotlot sa panayam niya sa Fast Talk with Boy Abunda.

“Ini-screenshot ko lahat, prinint ko lahat ng mga masasakit na salita sa anak ko through Twitter, nagpunta ako ng NBI and then, I wanted to ask help.

“Gusto kong malaman kung sino ‘yung mga taong nagsasalita ng mga masasakit sa anak ko. Ganu’n ka-intense. Hindi nga yata alam ng anak ko ‘yun,” kwento niya.

But later ay na-realize rin niya na mga strong naman daw ang mga anak niya at kayang harapin ang mga ganitong pangyayari.

“My children are strong. I should also have more faith in my daughter, na kung anuman ‘yun, kung anuman ‘yung pagdaanan niya dito sa industriya, kakayanin niya,” sey ni Balot.

Pero bilang isang ina, talaga raw napakasakit sa kanya kapag napupulaan ang kanyang mga anak.

“Masakit pala talaga ‘pag pinupulaan ‘yung anak. Napakasakit,” aniya.

Arjo, mas mataas ang pangarap sa pulitika

Inamin ni Arjo Atayde na bata pa lang siya ay pangarap na niyang maging Senador. Just like showbiz, bata pa lang daw sila ay exposed na rin sila sa politics dahil may mga relative rin sila na nasa public service.

“Of course, during that time, I was very young, the most exposure I had to politics was my dad’s brother who was also in public service. We also have certain relatives as well po,” sey ni Arjo sa panayam sa kanya ni Korina Sanchez sa Korina Interviews on Net 25.

Kapag Sunday raw na family day ay napag-uusapan nila ng pamilya ang pulitika. “Sunday talks about government, of course, their opinions as a family. That was our Sundays. That’s how I grew up, knowing about politics as well,” aniya.

“I wanted to be a Senator when I was younger for reason that I would ask questions as basic as ‘what position do I need to be able to be of help to a lot of people?’

“Because we were exposed to foundations, to family just helping random foundations. So, that’s the type of family we grew up in,” dagdag pa ng Quezon City 1st district Representative.

Pero that time ay naging mas matimbang kay Arjo ang pag-aartista dahil nga mas exposed siya sa showbiz than politics since ang nanay niyang si Sylvia Sanchez ay isang aktres at sumasama pa raw sila ng kapatid na si Ria Atayde sa tapings ng ina noong bata pa sila.

Pero at least ngayon ay isa na ring public servant si Arjo and somehow ay natupad na rin ang kanyang pangarap na maging pulitiko.

Show comments