Siguro kung active ang showbiz ngayon, ang daming true to life story na gagawing pelikula.
Lalo na ang mag-asawang Carlo Caparas at Donna Villa.
Ang daming mga istorya tungkol sa pulis, mga pulitiko mga real life story na aakalain mo na sa movies lang nangyayari.
‘Yung Degamo case, Bantag story, naku sure ako gagawin agad iyan sa movies.
Ang Teves story, mga exciting front page stories na sinusundan-sundan natin sa diyaryo ang istorya.
Dahil nga hindi gaanong active ngayon sa paggawa ng movies, ayan sa diyaryo na lang , sa PSN (Pilipino Star NGAYON) at PM (Pang Masa) mo babasahin.
Lalo pa nga at hindi gaanong kinagat ang Summer Filmfest, pati nga iyon filmfest sa December baka tamarin na rin ang mga producers na gumawa ng isasali.
Nakapagtataka talaga na parang bigla lang nawala ang interest ng moviegoers para sa local films.
Magaganda ang mga pelikula na sumali sa summer filmfest, ok din mga artistang gumanap, kaya bakit matamlay ang pagtanggap?
Kaloka na hindi na natin alam kung ano ang gusto ng audience. Unfair na iyon foreign movies suportado nila at snob nila ang local.
Idadasal ko na manumbalik ang interes ng mga Pinoy sa panonood ng sine para naman makabangon ang ating industriya.
Paulit-ulit kong sasabihin na there’s no business like showbiz.
Iba ang saya rito, walang kapares. Meron mang mga intrigahan, pero at the end of the day, masaya ang lahat.