Rhea Tan, parami nang parami ang Beautederm babies

Rhea at Beautederm babies

Si Rhea Tan ng Beautederm, hindi nakakalimot padalhan kami ng beauty products. Masarap gamitin ‘yung lotion at ‘yung supplement para sa health dapat laging iniinom.

Miss ko na si Rhea   na talagang sa Angeles City na nag-o-office dahil mas gusto niya talaga roon dahil mas tahimik at totoo namang malapit lang sa Quezon City kung gusto niyang makipag-meet at magkaroon ng business dito. Ang dali lang ng biyahe kaya naman ok lang sa kanya na doon at pumupunta na lang sa QC ‘pag kailangan.

Kaya nga sabi ko basta gusto niyang makipag-lunch sa amin, text lang para kitakits dahil miss na namin siya. Nasa top pa rin ang sales ng Beau­tederm at talagang parami nang parami ang Beautederm babies niya.

Samantala, sure ako na wala na namang hinto ang kuwentuhan namin nila Leo Espinosa lalo na ngayon na nagha-harvest siya ng mangga sa kanyang farm.

Bongga dahil panahon ngayon ng prutas na ito na talaga namang favorite ng mga Pilipino kaya tuwang-tuwa na parang ang dami ng ani ngayon ng mangga.

Hindi na ganun kadalas ang mga lunch meeting namin dahil busy na rin sa rami ng ginagawa sina Pat-P Daza at si Cris Roque naman active na active sa Kamiseta.

Talagang basta bonding time looking forward kami sa mga intimate lunch ng grupo.

Show comments