Brod Pete, nagsalita sa pagreretiro
In our recent interview with veteran writer, actor, comedian, singer ang musician na si Brod Pete (Herman Salvador in real life) na siyang nagpasikat ng mga linyang “Raise the roof” at “Alien” ay personal nitong pinabulaanan na siya’y nagretiro na.
“Huwag naman ninyo ako tanggalan ng hanapbuhay,” pakiusap nito sa mga nagkalat umano ng fake news na siya’y nag-retire na sa kanyang showbiz career.
Although hindi gaanong napapanood ngayon si Brod Pete sa telebisyon, aktibo siya sa kanyang iba’t ibang live shows. Pero hindi nito ikinakaila na sobra umano niyang nami-miss ang pagsusulat at pagpapatawa sa telebisyon.
He was still a young boy nang magsimula siyang magkaroon ng interes sa pagsusulat at pagpapatawa na kanyang naisakatuparan pagkatapos niyang magtapos ng Communication Arts sa University of Santo Tomas.
As a young boy ay pinapanood na niya ang kanyang comedy idols na sina Dolphy, Panchito, Chiquito, Babalu, at iba pang comedy actors at kasama na rito ang Hollywood comedy actor including Woody Allen.
Never in his wildest dreams na makakatrabaho niya ang kanyang mga idolo sa idolo sa telebisyon at pelikula na pinangunahan ng comedy king na si Dolphy.
Pagka-graduate niya ng college ay tumambay umano siya sa Broadcast City kung saan naroon noon ang IBC-13, RPN-9 at BBC2 dala-dala ang sample ng mga sinulat niyang comedy script.
Nang makita niyang naglalakad ang yumaong writer, director at komedyanteng si Ading Fernando ay agad niya itong nilapitan sabay abot ng kanyang sinulat na script.
“Bumalik ka bukas,” sabi umano sa kanya ng nagmamadaling director ng John en Marsha na siya namang ginawa ni Brod Pete na nakilala rin sa character niyang Isko Salvador sa naturang weekly sitcom nina Dolphy at yumao na ring si Nida Blanca.
Agad ipinakilala si Brod Pete ni Mang Ading sa bumubuo ng cast na pinangunahan nina Dolphy at Nida bilang writer at doon nagsimula ang kanyang career.
Wala siyang kaalam-alam na ito rin ang magbubukas ng pintuan sa kanya bilang isang komedyante.
Sa John en Marsha nabuo ang kanyang character na Isko Salvador, ang manliligaw ni Shirley (played by Maricel Soriano) na hate na hate siya.
Bukod sa screen name niyang Brod Pete ay matagal din siyang nakilala bilang Isko Salvador, ang sumikat niyang character sa John en Marsha.
Bukod sa John en Masha ay naging writer din siya sa ibang weekly sitcoms on TV tulad ng Plaza 1989, Home Along Da Riles, Champoy, Goin’ Bananas, Buddy en Sol bago siya naging headwriter ng longest comedy gag show on GMA, ang Bubble Gang maging ang iba pang programa.
Dahil sa kanyang pagsusulat at pagiging komedyante ay nabuhay niya ang kanyang pamilya, his wife na si Annalee at tatlong grown-up children na sina Jerilee, Mjordan at si Yunique.
Sa tatlo, tapos na sa kanyang pag-aaral ang panganay at only girl na si Jerille at graduating naman this year si Mjordan (na ang pangalan ay kuha sa kanyang idolong si Michael Jordan) habang ang bunso ay nag-aaral pa rin.
Beauty, tuhog sa endorsements!
Ang ex-PPB housemate now Kapuso actress na si Beauty Gonzalez ang kauna-unahang brand ambassador ng bagong beauty product line na Hey Pretty Skin na pagmamay-ari ng young entrepreneur, ang CEO na si Anne Barretto.
Si Beauty ay ipinakilala sa entertainment media sa pamamagitan ng isang grand press conference na ginanap sa ballroom ng Crowne Plaza Hotel in Pasig City kamakailan lamang.
Isang malaking karangalan para kay Beauty ang maging first brand ambassador ng beauty products ng Hey Pretty Skin na isang taon pa lamang sa market.
Pero habang ongoing ang press conference ay may nagtanong kung wala ba itong conflict sa kanyang pagiging brand ambassador ng BeautéHaus ng Beautederm na kilala sa kanilang beauty products nationwide at maging sa ibang bansa. Ito’y pinamumunuan ng President and CEO na si Rhea Anicoche-Tan pero klinaro ng Kapuso actress na wala umano itong conflict.
Ang nakalimutang itanong ng ilang invited press ay kung nagpaalam ba siya at ang kanyang management team sa Beautederm lady boss para hindi magkaroon ng problema sa kanilang pagitan.
Beautederm has over a hundred brand ambassadors kung saan kasama ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, Piolo Pascual, Bea Alonzo, Maha Salvador, Sylvia Sanchez, Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Andrea Brillantes at napakarami pang iba.
Beauty was launched to be part of Beautederm family only last September 2022.
- Latest