^

Pang Movies

Belle Daza, aligaga sa third baby

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Belle Daza, aligaga sa third baby
Isabelle & family

Nag-celebrate ng Easter Sunday sa The Upper House in Hong Kong ang pamilya ni Isabelle Daza. Bitbit ni Belle ang bagong member ng kanilang pamilya.

Sa isang photo ay makikitang nagpapa-breastfeed si Belle sa baby girl niya. Tinakpan nito ang mukha ng baby kaya wala pang face reveal ito. Hindi pa rin pinapaalam ni Belle kung ano ang napili nilang name ng mister niyang si Adrien Semblat para sa kanilang baby girl.

“First time out & about with all 3 kids,” caption ni Belle sa kanyang post sa Instagram.

Dahil may bagong kapatid na raw ang two boys niyang sina Baltie at Valentin, mas magiging busy na mommy na siya kesa dati.

Pinost nga niya ang ilang activities ng kanyang two boys sa pag-celebrate ng Easter Sunday. Pagkatapos nga raw ng paglalaro ng mga ito, ang pagtulog ang sunod na ginawa ni Belle. Tatlong oras daw natulog si Belle dahil bumabawi ito sa ilang araw na puyat niya sa pag-alaga sa kanyang baby girl.

Destiny... ni Ken, dinala sa Thailand

Ang bongga lang ng pag-welcome kay Ken Chan sa Thailand kamakailan.

Pumunta sa Thailand ang Kapuso actor para i-promote doon ang kanyang pinagbidahan na 2015 teleserye na Destiny Rose. Ipapalabas nga doon ang Destiny Rose na tungkol sa isang transwoman at ang mga pinagdaanan niyang hindi magaganda sa buhay.

Kilala ang naturang bansa sa pagpaparetoke at sex reassignment surgery sa mga beking gustong maging ganap na babae.

Mainit ang salubong kay Ken ni Anne Jakrajutatip, ang may-ari ng Miss Universe sa launch ng Destiny Rose.

Sa video na pinost sa social media, nag-duet pa sila ni Ken sa launch party. Pareho pa silang naka-pink outfit bilang kulay ng isang transgender woman.

Si Anne mismo ang nagdala raw ng Destiny Rose sa Thailand pagkatapos niyang mapanood ito. Marami raw kasing makaka-relate sa Thailand sa kuwento ng character ni Ken na si Joey Flores Vergara na nag-transform bilang ang romance book author na si Destiny Rose.

Taylor ‘di pa nagbibigay ng confrimation sa breakup nila ni Joe

After six year ay hiwalay si Taylor Swift sa kanyang British actor-boyfriend na si Joe Alwyn. Amicable at hindi raw dramatic ang naging hiwalayan ng dalawa.

Ayon sa Entertainment Tonight: “The relationship had just run its course. It’s why Joe hasn’t been spotted at any of Taylor’s shows.”

Kasalukuyang nasa kanyang The Eras tour si Taylor sa iba’t ibang cities sa US. Wala pang makuhang official statement mula sa multi-awarded singer-songwriter tungkol sa pagwakas ng relasyon ito sa British actor na nakilala sa mga pelikulang Harriet, Billy Lynn’s Long Halftime,at The Favourite.

Taong 2016 noong unang isapubliko nila Taylor at Joe ang kanilang relasyon. Kapag hindi busy si Joe sa UK, binibisita niya si Taylor sa New York. Si Taylor naman ay hilig sorpresahin si Joe kapag may panahon siyang bumiyahe to London.

Sa latest album ni Taylor na Midnights, inspirasyon ng singer si Joe sa sinulat nitong song na “Lavender Haze” na tungkol sa isang romantic relationship na malayo sa ingay ng maraming tao sa paligid nila.

vuukle comment

ISABELLE DAZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with