Yasmien, dalawa ang award sa isang gabi   

Yasmien

Maraming bumati kay Kapuso actress nang in one night, she was honored by two different award-giving bodies.

Ikinagulat ni Yasmien nang tanggapin niya ang Outstanding Woman of Ins­piration with Significant Achievement in Philippine TV and Film, at Most Outstanding Female Celebrity and Performing Artist.

Natanggap niya ang balita habang naka-lock-in taping siya at ang cast ng The Missing Husband ng GMA sa Pico de Loro Beach in Batangas.

Barbie, tinapos na ang bakasyon sa Amerika

Kaabang-abang ang finale episode tonight ng Lady and Luke episode ng fantasy anthology na Daig Kayo Ng Lola Ko, lalo na sa fans ng #FiLay loveteam nina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at Pambansang Ginoo David Licauco.

Nakabalik na sa bansa si Barbie from her US vacation at ready na sila ni David mag-shooting ng movie at teleserye bilang follow-up ng Maria Clara at Ibarra series nila.

Richard, nagpahinga sa Abot-Kamay…

Inaabangan ang top-rating GMA Afternoon Prime series na Abot-Kamay Na Pangarap na tampok sina Carmina Villarroel at Jillian Ward.

Interesting na iba’t ibang guest artists ang pumapasok sa eksena kaya nang mawala muna sa eksena si Richard Yap, habang nagsu-shoot ang actor sa Switzerland for Unbreak My Heart, ilang malalaking artists na ang nag-guest.

Ang Abot-Kamay na Pangarap ay napapanood tuwing 2:30 p.m., after Eat Bulaga sa GMA 7.

Show comments