Sumabak na rin sa pagpapalabas ng entertainment programs ang TV network na SMNI ni Pastor Quibuloy dahil sa Marso 21, 8-9 p.m., mapapamood na ang Chinese drama na Nasa’n Ka Papa mula sa blocktimer nitong Regent Foods.
Madalas na news programs, talk shows at iba pang public affairs ang napapanood sa network. Pero bakit hindi sila sumabay sa uso sa ibang networks na Korean dramas ang handog sa manonood?
“Basta pasok sa values ng network ang programs, Chinese man o Korean drama ito, puwedeng ipalabas sa SMNI,” saad ng isang SMNI executive nang bistahin namin sa Regent Foods factory.
Bale ang Chinese drama ang simula ng alternative programs ng network. May homegrown talent din sila at hindi sila nakikipag-compete sa ibang networks.
Eh kahit mga issue involving Pastor Quibuloy, “Hindi naman kami involved doon. We respect their opinions basta para sa amin, mas importante ang gusto ng viewers at mission ng network,” saad pa ng executive.
Gabby, gaganap na babae
Interesting ang episode tonight ng Magpakailanman dahil tungkol ito sa kuwentong LGBTQ+.
Eh naglabasan sa social media ng MPK ang inayusang si Gabby Eigenmann bilang babae, huh!
At ang title ng episode? Mana Sa Inang Ama, huh! Ay true to life, huh!
Ilan sa kasama ni Gabby ay sina Vaness del Moral, Dexter Doria, Gold Aceron at Joaquin Manansala!