Jodi at Gabbi, nag-last minute bonding sa Milan
Ang ganda ng bonding ng mga Kapuso at Kapamilya stars sa Europe habang nagte-taping sila roon ng upcoming series na Unbreak My Heart.
Nakapag-shoot na sila sa mga magagandang lugar sa Switzerland at Italy.
Nakakatuwa namang tingnan sa social media ang bonding ng dalawang female leads na sina Gabbi Garcia at Jodi Sta. Maria. Pareho silang nag-e-enjoy sa isa’t isa habang namamasyal sila sa Milan. Dito makikita na wala sa kanila ang network wars.
Sa last day shoot nila sa Milan, nag-book si Jodi ng isang 3-hour street tour kasama si Gabbi. Napuntahan nila ang maraming lugar sa Milan tulad ng isang vintage library at kasama na ang food trip.
Heto ang post ni Jodi sa Instagram:
“It was our last day in Milan. Flight’s in the evening and we have all afternoon to spare. Booked a 3-hour street four tour with Gabbi and Sab.
1. Went to the University of Arts in Milan.
2. With @gabbi inside the library. Ahh..the smell of old books is heaven. Given na wala kayong dust allergy
3. Side street strolling. Loving the vibe of this area. Quiet not so many people frequent this place. Ganda ng architecture. Old feels
4. Foccacia. With cheese. With onions. Olives. And plain. Carbo loading for us. Justification : we did a lot of walking kasi kaya okay lang. And super yummy kasi
5. Visited a Prosciutteria. Had turkey ham, squash and arugula, truffle cheese bread and vino. Heaven
6. Cafe Napoli. Didn’t look notorious to me at first coz it was mixed with cream. Smelled really good until i tasted it? please refer to photo number.
7. and you be the judge. Pero si Gabriella @gabbi poised parin. Nasabi lang nya “matapang” yung kape.
8. Had fun with these two during the food tour. We had cheese pa and more bread, gelato, etc etc.
“Next post nalang ulit or IGs coz hindi na kasya. Happy afternoon everyone.”
Sobra naman ang pasasalamat ni Gabbi sa pa-trip ni Jodi: “One for the books!!! Thank you Ate Jodi!!! Super fun!”
Isabelle may third baby na, hiyang magbuntis!
Mukhang wala pang balak na balikan ni Isabelle Daza ang showbiz dahil mas enjoy itong magbuntis.
Pinakita ni Belle via Instagram ang kanyang 35-week old baby bump. May caption ito na: “I think this is it im peaking? 35 at 35 weeks.”
Sey ng mga netizen ay bakit parang ang fresh pa rin ni Belle kahit ang laki na ng tiyan nito? Hindi raw ito mukhang minamanas o namamaga tulad ng ibang nagbubuntis. Ano raw ba ang sikreto nito? May iba namang nag-comment na iba raw magbuntis ang mga mayayaman, hindi haggard at stressed.
Siguro nga ay may mga babaeng hiyang ang magbuntis. Tulad ni Ina Raymundo na limang beses nabuntis at nanganak, pero Sabado Nights Girl pa rin ang kaseksihan.
At maging si Cheska Garcia-Kramer na tatlo ang mga anak pero mukha pa rin teenstar.
Third baby na ito ni Belle at parang normal lang sa kanya ang mabuntis. Ang panganay nila ng mister niyang si Andrien Semblat na si Balthazar ay five years old na at ang second boy naman na si Valentin ay one year old.
- Latest