^

Pang Movies

Actor wannabe, nakasandal na sa pader nang gamitin ang pagkalalaki!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Naging boy toy pala ng isang female talent manager ang isang hindi sumikat na aktor. ‘Yun nga lang, hindi nagtagumpay ang manager na pasikatin ang actor wannabe kaya kumalas din ito sa kanyang manager.

Nagkakaroon naman ng projects ang wannabe actor. Pero walang dating talaga kaya hindi kuminang nang matindi ang kanyang pangalan.

Hanggang sa pansamantalang nawala ang actor wannabe. Nang lumitaw uli sa showbiz, aba, nakabingwit siya ng matabang isda sa showbiz, huh!

Kumbaga, pader ang nasandalan niya dahil kahit hindi na siya magtrabaho eh, marangyang buhay ang tinatamasa ngayon, huh!

Nagkaroon ng konting pangalan ang wannabe actor pero hindi siya sumikat talaga kaya ang kanyang pagkalalaki ng ginamit niya!

Ricci at Andrea, magtatambal?!

Nakatanghod talaga si Andrea Brilliantes sa pinaglalaruang basketball ng boyfriend na si Ricci Rivero.

Nakuhanan ng camera si Andrea habang nagtsi-cheer sa paglalaro ng basketball si Ricci.

Pero hindi sa malaking venue nagba-basketball si Ricci kundi sa mga mall kung saan ginanap ang PBA 3x3 games.

Yes, sa tatluhang laro ng basketball napanood namin si Ricci sa dalawang magkasunod na araw at present si Andrea sa audience, huh!

Promising ang basketball career ni Ricci nang maging bahagi siya ng UP Fighting Maroons kung saan naibalik sa UP ang championship after ilang years.

‘Yun nga lang, balitang hindi niya piniling maglaro sa isang PBA team dahil napabilang siya sa isang team sa abroad.

Kaso, na-injure si Ricci at hindi na nakabalik sa abroad para maglaro.

Ngayon, sa PBA 3X3 na lang siya naglalaro at balitang babalik sa pag-arte bilang kapareha ni Andrea sa lead series niyang Dyesebel!

vuukle comment

ANDREA BRILLIANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with