Aktor-aktoran, niregaluhan ng sapatos na kalahating milyon ang halaga ng kabit na gay director!

Nagpakalunod pala sa mamahaling gamit ng isang dating bit player na artista nang kumabit siya sa isang box office na bading na director.

Bukod sa mga naibibigay na markadong roles sa movie ng director, lagi pa siyang nakakatikim ng mamahaling gamit mula sa director.

Sa isang shooting nga raw na pinuntahan ng aktor-aktoran, napa-parking ang sasakyan niya sa lugar na maputik.

Hindi alam ng aktor-aktoran na putik pala ang bababaan niya kaya naman napamura na lang siya nang putik ang natuntungan ng paa niya! Natural, galit na galit sa staff ito na kanyang pinagmumura!

Eh bukod kasi sa nadumihan ang suot na sapatos, nanghinayang siya sa sapatos dahil ang halaga pala nito at halos P500K, huh! Pero ang director ang nagbigay nito sa kanya pala kaya ganoon na lang ang galit na naputikan!

Kaya naman sa mga sumunod na shooting day ng aktor, talagang alaga na ang parking space  niya upang hindi mamura ng aktor-aktoran, huh!

Kokoy, may malungkot na nakaraan

Arrived na arrived na ang Kapuso aktor na si Kokoy de Santos!

Aba, ang life story ni Kokoy bago maging artista ang featured ngayong gabi sa episode ng Magpakailanman na A Son’s Promise: The Kokoy de Santos Story.

Siyempre pa, si Kokoy mismo ang gaganap bilang siya mismo at sa likod ng mga ngiti ni Kokoy eh may malungkot pala siyang nakaraan!

Show comments