MANILA, Philippines — Ibinahagi ng baguhang Star Music artist na si Zachary ang kanyang frustrations sa pagiging rebound sa nakakaakit na R&B single na RBND.
Isinulat ni Zachary habang ipinrodyus naman ni Nick Lazaro ang relatable song na tungkol sa pagbibigay ng mixed signals sa isang tao kahit na hindi sigurado sa nilalaman ng damdamin.
“Bakit pinakilig? Pinarinig ang mga salitang galing sa iyong bibig na walang katotohanan, walang patutunguhan. Hanggang kailan magiging saluhan ng pusong iniwan,” saad ni Zachary sa isinulat na kanta.
Ito ang ikalawang single ni Zachary matapos niyang ilabas ang kanyang debut single na dahan dahan noong Abril.
Nakilala ang Filipina-Canadian singer sa kanyang mga song cover videos sa YouTube at modern pop at R&B songs na patok sa kabataan. Kapansin-pansin din ang kanyang mga awitin dahil sa nakaaakit na boses at sexy image niya.
Damhin ang relatable na mensahe ng RBND na napapakinggan sa iba’t ibang digital platforms at napapanood naman ang visualizer video nito sa YouTube. Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at YouTube.