Actor na si Andrew Schimmer nagluluksa, pumanaw na ang misis na may sakit
Nagluluksa ang dating aktor na si Andrew Schimmer.
Pumanaw na nga ang misis niyang si Jho Rovero na matagal nang may karamdaman.
Balak na sana nitong pakasalan sa simbahan ang karelasyong may sakit na akala nila ay bumubuti na ang lagay.
Umasa si Andrew na tuluyan nang gagaling si Jho na matagal nang naka-confine sa hospital dahil sa karamdaman nitong severe hypoxemia na nagkaroon na ng iba’t ibang kumplikasyon.
Mahigit isang taon na nang isugod sa hospital si Jho ng mister na dating aktor.
Pero malungkot ang pangyayari kahapon.
“ The Love of my Life…my wife..my best friend.. my partner in everything. Remember your promse, together forever,” post nito na hawak ang kamay ng misis.
Nasa taping daw siya ng Family Feud nang sabihin sa kanyang masama ang lagay ng misis.
“They did everything they could. Masakit lang. Gusto ko lang ibalita sa inyo. Guys, maraming salamat sa mga nagdasal. Ang sakit lang kasi birthday ng bunso namin mamaya. Hindi siya inabutan ng bunso namin.”
- Latest