Nick Carter nag-breakdown sa pagkamatay ni Aaron  

Aaron

Hindi napigilan na mag-breakdown ng Backstreet Boys member na si Nick Carter sa gitna ng performance nila sa London’s O2 dahil sa dumating sa kanyang balita na patay na ang 34-year-old brother niya na si Aaron Carter.

Natagpuang walang buhay si Aaron sa bahay nito sa Lancaster, California noong umaga ng Nov. 5. Natagpuan itong nasa kanyang bathtub at hindi na humihinga.

Sa kanyang Instagram, pinost ni Nick ang isang mensahe para sa pumanaw na kapatid. Kahit daw naging complicated ang relasyon nila, mahal na mahal daw niya ang kanyang baby brother.

“I have always held onto the hope, that he would somehow, someday want to walk a healthy path and eventually find the help that he so desperately needed. Sometimes we want to blame someone or something for a loss. But the truth is that addiction and mental illness is the real villain here. I will miss my brother more than anyone will ever know. I love you Chizz, now you get a chance to finally have some peace you could never find here on earth…. God, please take care of my baby brother.”

Dumaan sa maraming health and mental issues si Aaron. Naging addicted ito sa alcohol at presciption drugs. Na-diagnose pa ito with schizophrenia and bipolar disorder.

Noong sumikat si Nick bilang Backstreet Boys noong early ‘90s, sumikat naman si Aaron bilang child actor at naging singer din ito. Sa u­nang album ni Aaron, naging hit ang songs niyang I Want Candy and That’s How I Beat Shaq.

Ang kakambal naman ni Aaron na si Angel ay nag-post din sa IG: “To my twin… I loved you beyond measure. My funny, sweet Aaron, I have so many memories of you and I, and I promise to cherish them. I know you’re at peace now. I will carry you with me until the day I die and get to see you again.”

Juliverse, ilalahad ang love story sa concert

Ikukuwento nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ang love story nila sa nalalapit na concert nila na Julieverse sa Nov. 26 sa Newport Performing Arts Theater.

Ayon sa JulieVer loveteam, nagsimula silang dalawa bilang co-hosts sa show na The Clash hanggang sa maging more than friends na ang turingan nila. Kaya naman may mga pasabog at sorpresa ang dalawa bilang pampakilig sa kanilang fans.

Pinagmamalaki rin ni Julie ang pinakitang effort ni Rayver sa kanilang rehearsals. Ramdam ni Julie sa seryoso ito at gusto niyang lumabas na maganda ang performance nito sa concert.

“Sa bawat concert, kailangan laging may pasabog. Bagong pasabog ito. But not just me, we will do it together. So excited din ako na siyempre, mapanood din si Ray. Nakaka-proud lang kasi lalo siyang gumagaling, pagaling talaga siya nang pagaling,” may kilig na pahayag ni Julie.

Bukod kasi sa kanilang TikTok dance moves, duets, hilig din nina Julie at Rayver na mag-jam sa music sa pamamagitan ng kanilang mga gitara. Si Julie pa raw ang nagturo kay Rayver para lalo pang gumaling sa pagtugtog ng gitara.

Naikuwento noon ni Rayver na bumili pa raw siya ng gitara dahil gusto niyang masabayan si Julie tuwing may collaboration sila sa TikTok.

Show comments