Maria Clara…, nire-request na magka-English subtitles!
Tunay ngang maraming nakakapanood ng historical portal fantasy series na Maria Clara At Ibarra ng GMA 7 kaya naman ang mga Pinoy na naka-base sa ibang bansa ay hinihiling na lagyan ng English subtitles ang bawat episodes kapag pinapanood nila ito sa YouTube.
At hindi lang mga Pinoy kundi pati foreigners na tumututok din sa naturang teleserye ay nagre-request ng subtitles.
Heto ang pinost ng isang netizen sa Facebook tungkol sa request nilang magkaroon ng English subtitles ang teleserye na pinagbibidahan nina Dennis Trillo, Barbie Forteza at Julie Anne San Jose.
“SANA MAGKAROON NG ENGLISH SUBTITLES
“Ito ang request ng mga Foreigner Reactors at ilang OFW na piniling tumira sa ibang bansa para sa Maria Clara at Ibarra.
“Umabot na nga pati sa mga Foreigners ang kasikatan ng Maria Clara at Ibarra ngunit hindi nila ito maintindihan dahil walang english subtitles.
“Sa YouTube Channel ng Sol & Luna TV na Latina Twins ay mas better diumano kung magkakaroon ng English Subtitles ang nasabing GMA Historical Portal Fantasy Series upang mas lalo nilang maintindihan ang sense ng show lalo na ang Latin America ay kagaya din ng Pilipinas ay matagal na sinakop ng mga Kastila at kung magkakaroon ang Maria Clara at Ibarra ng English Subtitles ay magkakaroon diumano sila ng comparison sa kultura ng Pilipinas noong Spanish Period at sa mga kultura ng Latin America,” bahagi ng nasabing post.
Kasalukuyang na top-rater sa primetime ang Maria Clara At Ibarra. Sa YouTube naman, ang first six episodes ng teleserye ay humamig na ng higit sa 1 million views.
Julie at Rayver, tuloy ang pagpapakilig
Patuloy ang pagpapakilig ng JulieVer tandem nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa TikTok. Ang latest na pampakilig nila sa kanilang mga fans ay ang sarili nilang rendition ng Ed Sheeran song na How Do You Feel.
Kung hindi nga sila sumasayaw ay kumakanta na bentang-benta sa kanilang mga follower.
Sa pag-awit nila ng How Do You Feel, si Rayver ang naggigitara habang sabay silang kumakanta ni Julie. At ang hinihintay ng kanilang mga fans ay ang panakaw na pagsulyap nila sa isa’t isa.
Caption pa ni Rayver: “Mas maganda pala talaga tong song na toh pag may kasama…nagkita rin kami sa wakas ni Maria Clara…@Julie Anne San Jose...” Sa comment section naman, sinulat ni Julie ay “Miss you...”
Ilang buwan din kasing hindi nagkasama ang dalawa dahil sa lock-in taping ni Julie ng top-rating GMA teleserye na Maria Clara At Ibarra. Ngayon at tapos na ang taping, ang pagkakaabalahan na ni Julie ay ang concert nila ni Rayver na Julieverse sa November.
American rapper Kanye West, nagkaroon ng sariling app
Nakipag-deal ang American rapper, songwriter, record produce na si Kanye West a.k.a. Ye sa social network na Parler para doon na siya mag-post ng kanyang mga gustong sabihin.
Nire-restrict kasi ng Twitter at Instagram ang kanyang mga post. May pagkakataon pa ngang na-ban siya for 24 hours sa social media app dahil sa kanyang mga pino-post na hindi tugma sa policy ng social media apps.
Kelan lang ay muling na-ban si Ye dahil sa kanyang mga anti-Semitic posts sa Twitter at Instagram. Marami kasing netizens ang na-offend sa pinost niyang photo na suot ang shirt na may nakalagay na White Lives Matter noong nakaraang Paris Fashion Week. Maraming nag-report sa racist theories niya.
Kaya naman naisip ni Ye na magkaroon siya ng sarili niyang social media platform na hindi siya pagbabawalan at malaya siyang i-express ang mga saloobin niya. “In a world where conservative opinions are considered to be controversial we have to make sure we have the right to freely express ourselves,” sey ni Kanye sa official statement na nilabas ng Parler.
Ang Parler ay described as “a guiding force in the fight against Big Tech, Big Government, censorship, and cancel culture,” ayon sa executive director nito na si George Farmer.
- Latest