Nalungkot ako, Salve, nang matanggap ko ang expulsion letter ng PAMI. Alam ko na may nagawa akong kasalanan kaya tanggap ko ang parusa.
Humanga ako dahil naging matapang si June Rufino this time na gumawa ng stand. Magandang example na ipakita nila sa lahat na binibigyan nila ng parusa ang mga hindi sumunod sa rules ng PAMI.
I am sorry for messing up, at mabuti nga ginawa nila ito at baka dumami pa ang mag-resign tulad ni Shirley Kuan. Ngayon hindi na magri-resign ang mga ayaw sa akin, dahil expelled na ako. At least, na-expel ako dahil sa ibang rason at hindi dahil sa bully ako.
I admit to my mistake, I bow to June Rufino as president of PAMI, and I hope the organization at ang members na magtagumpay lahat lalo na ang mga alaga nila na parang anak na kaya inilalaban nang patayan gaya ni Shirley Kuan kay Bea Alonzo.
Wish all of you well and success. Your expelled member, Lolita Solis.
Maria Clara…, ‘di bumababa ang ratings!
Ang bongga naman pala talaga ng historical portal fantasy series na pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Dennis Trillo at Julie Anne San Jose.
Dalawang linggo na itong umeere pero hanggang ngayon napanatili nila ang mataas na ratings. Gabi-gabi nga itong nagte-trending dahil talagang inaabangan ng viewers ang mga susunod na kaganapan sa serye na hango sa nobelang Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal.
Bukod sa nakakaaliw ito, marami pang natututunan ang mga manonood lalo na ang mga kabataan. Marami rin silang nata-tackle sa isyu na kasalukuyan din nating nararanasan sa society natin ngayon.
Bagay na bagay raw talaga kay Dennis ang pagganap bilang Crisostomo Ibarra dahil talagang damang-dama ng mga manonood ang bawat linya nito. Na-kay Dennis daw talaga ang vibe ni Ibarra ayon sa netizens.
Ganon din ang komento nila kay Barbie na isang Gen Z, bukod daw sa aliw na aliw sila sa pag-arte nito dahil pwede raw itong komedyante, ‘di rin ito papatalo sa pakikipagbatuhan ng linya. Deserve raw talaga ng mga ito ng award.
Samantala gandang-ganda naman sila kay Julie Anne na gumaganap na Maria Clara. At humahanga sila sa pagsasalita nito ng Spanish.
Pati nga ang cinematography nito ay puring-puri rin.
Talagang inaabangan ang mga mangyayari sa serye kaya naman pati ang mga mahilig sa K-drama at mga guro ay nakatutok.
Congrats, Barbie, Dennis at Julie Anne!