Atty. Topacio, to the rescue!

Grabe na-touch naman ako kay Atty. Ferdie Topacio.

Nag-text siya para itanong kung ano ang puwedeng itulong. Kasi nga sa edad kong ito at sa kasalukuyang kalagayan inaakusahan pa rin na isa akong bully.

Ako bully? Kaloka naman. Puwede bang i-bully ang mga high and mighty na tulad nila Shirley Kuan at Dolor Guevarra?

English at British accent si Shirley Kuan, ibu-bully ng jologs na si Lolita?

Wow naman. Parang hindi ko maisip na ang mga tulad nila Shirley at Dolor ay ibu-bully ko.

Salamat Atty. Ferdie Topacio dahil to the rescue agad kayo.

Talagang friend kayo ng showbiz. Hayaan n’yo, basta inapi nila ako, tawagan ko kayo agad.

At sure ako, hindi na nila ako ibu-bully dahil nandiyan kayo. Kaloka sila ha, inaapi nila ako porke maysakit at hindi ko naintindihan English ni Shirley.

Baka consult a lawyer pa lang si Shirley, nandiyan na si Atty Ferdie Topacio at naka file na ang case. Alam mo na, fast worker at very professional siya.

Show comments