Parang ang suwerte naman ni Jean Garcia sa GMA 7. Parang sunud-sunod ang project niya before at after Nakarehas na Puso.
Mukhang love siya ng production katrabaho, at siguro hindi mahirap kausap. Magaling na artista kaya siguro rater ang mga serye niya.
Suwerte niya dahil very visible at busy siya kaya kahit ang mga bagong audience kilala siya at humahanga sa kanya.
Kaya congrats, Jean Garcia, bongga ka.
‘Kailangan ng mapagkakaabalahan’
Baka next time naka-wheelchair at tungkod o walking cane na ako ha.
Imagine mo na binigyan ako ng wheelchair ni Gretchen Barretto, at isang tungkod o walking cane ni Joe Barrameda.
Naloka ako dahil para bang hirap na hirap na akong lumakad kaya dapat gumagamit na ako ng wheelchair at tungkod. Para namang hindi ko type na a-attend ako ng presscon o meeting at dumarating ako nang naka-wheelchair at lumalakad nang nakatungkod.
Kaloka iyon noh! ‘Pag kailangan na talaga na naka-wheelchair ako, sa bahay na lang ako, hindi na ako lalabas at rarampa.
Pero ang kinatutuwa ko busy pa rin ako kahit na noong maysakit ako dahil sa IG at column ko sa Pilipino Star NGAYON at Pang Masa. Naging gamot ko ang pagsusulat para hindi ma-bore at maging active utak ko. Laking utang na loob ko kay Papa Miguel Belmonte na nagbigay sa akin ng pagkakataon na makapagsulat ulit ng column at kay Salve na nagpilit sa aking mag-IG ako. Imagine mo kung inabot ako sa edad na 76 at wala akong outlet, my God, talagang iuuntog ko na ang ulo ko sa pader, hah hah.
Kasi nga, sobrang active ng brains ko na dapat laging may ginagawa para ma-pacify, hah hah, or else, kung anu-ano ang pumapasok na dirty thoughts, hah hah.