^

Pang Movies

Ryza, umabot sa P120,000 ang bayarin sa tubig  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Ryza, umabot sa P120,000 ang bayarin sa tubig             
Ryza

Nahilo si Ryza Cenon nang dumating ang kanyang water bill kung saan sinisingil siya ng P120,000.

Ano raw sila carwash?

“10pm-4am nawawala na ng water samin. Tapos ang hina hina ng tubig namin from 5am-9pm. So paki explain from 1,101.02 last month ngayon 120k?!!!?????,” ang post niya.

Ito ang nakikita naming posibilidad. Dahil wala silang tubig kung gabi, maaaring iniiwan o naiiwang bukas ang gripo para makaipon oras na magkatubig na.

Kung ganyan ang gagawin ninyo, tatakbo ang metro dahil kahit walang tubig, iyong hangin na nagbibigay pressure, dumadaan din sa metro.

Kung mahina rin ang tubig, at ang gripo ay bukas nang todo, lumulusot din ang hangin.

Dapat kung mahina ang tubig, huwag itotodo ang bukas ng gripo para hindi malakas na pressure ng hangin ang lumalabas, tutal walang tubig.

Mabilis naman siyang sinagot ng Maynilad.

Ang puna lang ng iba, artista kasi kaya ganun.

Hindi na mapapanood...

Sumuko si Vhong Navarro sa NBI, siguro naisip niyang mas ok ‘yun kaysa sa arestuhin pa siya ng pulis at ipasok siya sa city jail kung sakali.

Noong una, nag-post lamang siya ng piyansa para sa pinalabas na warrant of arrest ng Branch 116 ng korte sa Taguig. Tutal nga naman 36,600 pesos lang iyon.

Pero habang naroroon siya sa NBI, nakatanggap ang NBI ng panibagong warrant mula naman sa Branch 69 ng Taguig din para sa kasong rape na isinampa rin laban sa kanya ng Deniece Cornejo.

Sa kasong iyon, walang itinakdang piyansa si Judge Lorelie Cruz Datahan, dahil ayon sa kanya, walang itinatakdang piyansa para sa kasong rape.

Dahil doon mananatili sa custody ng NBI si Vhong, dahil wala ngang piyansang itinakda ang korte, maliban kung may ibang desisyon ang isang mas mataas na hukuman na magbibigay sa kanya ng pagkakataong makalaya.

Pero ok na rin iyon, at least malalagay siya sa detention center ng NBI, hindi siya papasok sa city jail. Sa NBI, puwede ngang ilagay siya sa kung saan mang room doon na medyo maginhawa siya.

Hindi gaya noong selda sa mga city jail. Iyon lang, hindi na siya makakalabas doon hanggang hindi nga naaayos ng kanyang legal team ang na­ging desisyon ng Court of Appeals na nag-utos sa mababang hukuman na sampahan siya ng kaso.

Binaliktad ng utos na iyon ng Court of Appeals, ang naunang desisyoyn ng piskalya at ng DOJ na pawalang saysay ang mga kasong iyon, dahil sinabi ng Court of Appeals na hindi maaaring ang piskalya lamang ang magpawalang sala sa kasong rape.

Dapat hukuman ang magsabi noon.

Ngayon detained si Vhong at hindi siya mapapanood sa kanilang TV show.

Direktor, supalpal sa aktor na ayaw sa bakla

May dahilan naman pala kung bakit galit si direk sa isang poging actor. Bata pa raw iyon ay inaabangan na ni direk, type niya kasi talaga si pogi. Hanggang sa dumating ang panahon  na sa tingin niya puwede na si pogi, nagsimula na si direk na maging “mas mabait” at manligaw nga sa actor.

Pero ang masakit, diniretso siya agad ng actor na “pasensiya na direk, hindi ako talaga papatol sa bakla.” Magmula noon, binale-wala na ni direk si pogi at kung may pagkakataon, sinisiran pa niya iyon.

vuukle comment

RYZA CENON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with