^

Pang Movies

David nabiktima noon ang ex na si Anjanette, rolex at kotse naibenta

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
David nabiktima noon ang ex na si Anjanette, rolex at kotse naibenta
David

Kung babalikan ang background ng dating decathlete, ang Filipino-Hungarian-American na si David Bunevacz ay lulutang ang ginawa nito noon sa dating kasintahan na si Anjanette Abayari na ibinenta ang mamahaling sasakyan at Rolex watch na pag-aari ng actress at dating beauty queen.

Except sa kanyang pagiging dating athlete, nakilala ng publiko si David dahil sa kanyang pagkaka-link kay Anjanette na sobrang sikat noon hanggang ito’y masangkot sa drugs sa Guam na naging dahilan ng kanyang pagkakakulong.

Sa halip na gumawa siya ng paraan na matulungang makalaya ng kulungan si AJ (Anja­nette), pati ang cash donations ng mga kaibigan at supporters sa aktres na pangtulong sa kanyang legal defense ay tinangay rin ng dating athlete at hindi nakarating sa aktres.

Nabawi naman ng tiyuhin ni AJ ang sasakyan niya pero hindi na nabalik sa aktres ang kanyang mamahaling Rolex watch.

Nagpasalamat din si AJ na hindi niya pinirmahan ang Special Power of Attorney na ipinadala sa kanya ni David na may intention palang ibenta pati condo unit niya.

Si AJ ay maganda na ngayon ang buhay sa Amerika, married at may dalawang teenage sons.

Samantala, nanganganib na makulong ng 40 taon sa Amerika si David dahil sa ginawa nitong panloloko sa iba’t ibang investors na pinaniwala niyang legitimate ang kanyang ‘mga negosyo.’ Ang pinal na sentensya sa kanya ay ibababa sa darating na Nov. 21, 2022.

Umabot sa mahigit $28M ang nakuha ni David sa business investors dahil sa maluhong pamumuhay nito at ng kanyang pamilya sa Amerika.

Ginastusan pa umano ng mahigit $200,000 US ang debut ng kanilang anak ni Jessica na si Breanna at binilhan pa ito ng $330,000 worth ng kabayo dahil isa itong model-equestrienne. Labas pa umano rito ang mahigit $8M na kanyang ipinatalo sa casino.

Kung matatandaan pa, biglaan ang pag-alis sa Pilipinas ni David at ng kanyang pamilya nung 2007 matapos itong ‘mabugbog’ ng investors ng aesthetics clinic sa 6750 Ayala Avenue, Makati City dahil ginawa umano nitong ATM ang pondo ng clinic kung saan siya ang tumayong President-CEO (kahit wala itong perang inilabas) at siyang sole signatory ng mga tseke.

After he was beaten up by the investors, binawi umano sa kanya ang kanyang suot na mamahaling relos at luxury car na Porsche.

Xian, writer at director na ulit

Balik sa pagsusulat at pagdidirek ng pelikula ang singer-actor, painter, musician, writer, director at producer na si Xian Lim sa comedy-fantasy-drama movie ng Hello Universe under Viva Films.

Xian had his directorial debut sa pelikulang Tabon, isang crime-drama ang mystery-thriller movie na naging kalahok sa 2019 Cinemalaya Film Festival. Ang nasabing pelikula ay tinampukan nina Christopher Roxas, Leon Miguel Benjie Felipe, Ynna Asistio, Dexter Doria at iba pa. Siya rin ang sumulat ng istorya. Ang kanyang second project ay ang comedy-drama-romance movie mini-series for WeTV na Pasabuy na tinampukan nina Heaven Peralejo, Gino Roque at MJ Cayabyab with Ricardo Cepeda at iba pa.

Sa kanyang ikatlong project bilang writer-director, hindi ikinakaila ng nobyo ng ex-PBB Big Winner-turned actress-host-dancer na si Kim Chiu, kakaibang excitement ang kanyang nararamdaman dahil bukod sa Viva Films ang producer nito, ipinagkatiwala sa kanya ang mga kilalang personalidad sa larangan ng pagpapatawa na sina Janno Gibbs, Benjie Paras, Anjo Yllana at Gene Padilla plus Maui Taylor, Sunshine Guimary, MJ Cayabyab, Joe Vargas, Made­laine Red at Majo Lingat.

Isang digital story conference was hosted by Viva Films para sa pelikulang Hello Universe.

Ayon kay direk Xian, bukas umano siya sa posibilidad sa inputs ng veteran comedians dahil isa umano siyang collaborative writer-director.

“Hindi pa man kami nagsisimulang mag-shooting ay nai-excite na ako sa bumubuo ng cast,” pag-amin ni Xian na isang multi-faceted talent.

vuukle comment

DAVID BUNEVACZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with