^

Pang Movies

LJ, buntis na ulit matapos ang 2nd miscarriage

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
LJ, buntis na ulit matapos ang 2nd miscarriage
LJ

Sa Los Angeles, California naka-base ngayon ang mag-asawang LJ Moreno at dating PBA player-turned coach na si Jimmy Alapag kasama ang kanilang tatlong anak na sina Ian, Keona at Calen. Nag-migrate sa America ang buong mag-anak nung September 2020, same month ng pagkakaroon ng unang miscarriage ng actress.

Ang second miscarriage ay nangyari nung December 2021. But just about a week ago ay masayang ibinalita ng mag-asawa na muli silang nag-i-expect ng baby ngayong almost 14 weeks pregnant na muli ang (dating) actress.

Tuwang-tuwa ang kanilang tatlong anak na magkakaroon sila ng bagong baby brother or sister.

Ang panganay ng mag-asawang LJ at Jimmy na si Ian ay kanilang in-adopt habang sina Keona at Calen ay biological children nilang mag-asawa.

Si LJ ay pamangkin ng actress at dating politician na si Alma Moreno who is Venesa Moreno Lacsamana sa tunay na buhay.

Nadine, sanay nang maging simple

Sanay na ang Viva singer-actress at celebrity endorser na si Nadine Lustre sa simpleng buhay sa Siargao Island tulad ng residente na roon, ang Siargao-based actress na si Andi Eigenmann with her family, ang kanyang fiancé, ang champion surfer na si Philmar Alipayo at tatlong anak.

Nag-trending ang pagsakay ni Nadine sa isang tricycle sa Siargao matapos itong bumili ng sarsa.

Madalas nasa Siargao ang singer-actress dahil doon naka-base ang kanyang French-Filipino businessman boyfriend na si Christophe Bariou na may sariling resort doon.

Speaking of Nadine, super excited ito sa kanyang bagong sisimulang psycho-horror movie na Deleter na pamamahalaan ng mahusay na director na si Mikhail Red at kung saan niya makakasama sina McCoy de Leon at Louise de los Reyes.

Since magkaayos sila ng kanyang home studio, ang Viva, second project na bale ito ni Nadine pagkatapos ng Greed na isa ring suspense-thriller na dinirek ni Yam Laranas at kung saan naman niya nakabituin sina Diego Loyzaga at Epy Quizon.

Pokwang, ipinagtanggol ang EX

Ipinaliwanag ng singer, actress-comedienne at entrepreneur na si Pokwang (Marietta Subong sa tunay na buhay) na wala umanong third party sa paghihiwalay nila ng kanyang longtime-partner, ang American actor na si Lee O’Brian.

Maayos umano silang nagkahiwalay last November 2021 at malaya nitong nadadalaw ang kanilang four-year-old daughter na si Malia sa kanyang bahay.

Ipinagtanggol din ni Pokwang ang dating partner na mabait at responsible umano ito at wala umanong away at sumbatan ang namagitan sa kanila.

Being the bread winner ng kanyang pamilya, lalong nagsisipag si Pokwang sa kanyang trabaho para sa magandang future ng dalawa niyang mga anak na sina Mae at Malia.

Kung si Malia ay Amerikano ang ama, Japanese national naman ang ama ng panganay ni Pokwang.

 

vuukle comment

LJ MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with