Edward, susundin ang magpapaligaya sa kanyang buhay
Huwag magulat kung balang-araw ay bigla na lang magpaalam sa showbiz si Edward Barber dahil pinangarap pala nitong maging isang pastor.
Kabilang si Barber sa isang church ministry at doon daw niya nahanap ang balanse sa buhay niya sa labas ng entertainment scene. “Nahanap ko ‘yung balance sa buhay ko sa labas ng industry at ‘yung ginagawa ko sa loob ng industry. May mga bagay na I’m not willing to sacrifice it or mas importante ‘yun kesa ‘yung job here and there sa loob ng industry.
“I love ABS-CBN. I love my family here. But at the end of the day, it is work. And I have other people that I love too outside. I wanna be in a ministry which is not a priest, but a pastor. Maybe one day,” pahayag pa ng Kapamilya heartthrob.
Mas nagustuhan daw ng aktor ang buhay niya kapag hindi siya nakatutok sa showbiz. Mas enjoy raw siya sa pag-attend niya ng church services at active siya sa youth ministry.
Malaki raw ang naging pagbabago niya at nakita raw iyon ng kanyang pamilya.
“This is still something that I love. This is something that I’ll be doing for a time but that’s Church ministry just one of my desires. That one day, to be part of a ministry.
“They saw the change in me. I didn’t used to be the most patient son to my mom. I didn’t used to be the best brother for my sister. I didn’t used to be the best guy in general. I openly admit that.
“But I began to look at myself and other people differently. Have grace, have more patience, have more love for other people. Dati hindi importante sa akin ‘yung mga maliit na bagay.”
Marami ang manghihinayang kung sakaling iwan ni Barber ang showbiz. Pero marami rin ang matutuwa na sinunod nito kung ano ang nakakapagpaligaya sa kanya.
Herlene, hindi threatened sa ginawa ni Paolo
Hindi threat para kay Herlene “Hipon Girl” Budol ang Tikbalang costume na disenyo ni Paolo Ballesteros para sa co-candidate niya sa Binibining Pilipinas na si Graciella Lehmann. Dahil ang national costume niya ay inspired naman ng mga higante ng Angono, Rizal.
Nakilala ang hometown ni Hipon sa Higantes Festival at ang isusuot niya sa National Costume Fashion Show ay higanteng babae na inspired kay Miss Universe 2018 Catriona Gray na minsan na ring bumisita sa bayan ng Angono.
Hand-painted ang body suit ni Hipon ng kulay gold at kahel na siyang kulay ng mga hipon.
Irarampa nga ni Hipon ang bonggang Higantes costume niya sa gabi ng national costume fashion show. Pagkakataon din iyon ni Hipon na muling ipamalas ang kanyang signature walk na Squammy Walk.
Sa July 30 naman ang inaabangang coronation night ng 2022 Binibining Pilipinas.
- Latest