^

Pang Movies

Tirso, double celeb noong proklamasyon  

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Tirso, double celeb noong proklamasyon         
Tirso at Lynn

Official na ang appointment ng top actor at kilalang matinee idol na si Tirso Cruz III bilang bagong chairman ng Film Development Council of the Phi­lippines (FDCP). Dating ang may hawak ng nasabing ahensiya ay si Liza Diño-Seguerra.

Liza, as we all know, is the better-half ng dating child actress na si Ice Seguerra.

At least daw, matutupad na ang pangarap nila na makabuo ng anak, na matagal na nilang pangarap.

In the case of Tirso (Pip pa rin to his friends in showbiz), he has been married for years now to his wife Lynn Ynchausti, na umaaming dati niyang tagahanga.

Tatlo ang kanilang anak, the eldest, TJ, who would have been 41, ay unfortunately binawian ng buhay, noong 37 ito.

Their two other children, now both professionals, are Bodie and Djanin Cruz. Memorable ang day when President Bongbong Marcos proclaimed him sa kanyang bagong designation.

Forty first wedding anniversary nila ni Lynn.

“I will do my best,” ani Pip sa kanyang bago at supposed first big time government assignment.

Sana raw, makatulong siya para bumalik muli nang todo ang interest ng mga tao, lalo na sa pelikulang Pilipino.

To date, active pa rin si Pip sa showbiz, as he is still in the action cast of the top action series, FPJ’s Ang Probinsyano, topbilled by Coco Martin.

Elizabeth, aktibo sa kanyang clinic at showbiz

Equally active pa rin sa showbiz, bukod sa nanati­ling napakaganda pa rin ay si Ruffa Gutierrez, who is featured naman in Maid In Malacañang.

August 3 na ang playdate ng panoorin, na si Darryl Yap ang sumulat ng kuwento at nagdirek.

Si Ruffa ang gumanap na Ginang Imelda Marcos, na tungkol diumano sa last few days ng pananatili pa sa Malacañang ng Marcoses bago sila lumipad papunta sa Hawaii.

Playing the roles of the maids are Elizabeth Oropesa, Beverly Salviejo at Karla Estrada.

Now 67 years old, official lola na si Beth, to her friends still La Oropesa.

May apo na siya sa isa niyang anak, si Genevieve (father, Mark Roces, yes of the famous Roceses of Manila).

Although, she has a PHD in Alternative Medicine and even operates a clinic sa Quezon City, active pa rin siya sa showbiz.

She was also in the action series ni Senator Bong Revilla, Agimat ng Agila, which might have a sequel daw.

Lino, pahinga na sa pulitika

Now that he is no longer in politics after nagtapos ang kanyang third term as mayor ng Taguig City, balik-showbiz daw si Lino Cayetano, dati ring actor at nagdidirek.

In his younger years, nali-link sila ni KC Concepcion sa isa’t isa.

May sari-sarili na nga naman silang endeavors ngayon. Balitang may ginagawang movie abroad si KC samantalang ang next assignment daw niya, ayon kay direk Lino ay project na magtatampok kina Heaven Peralejo at Ian Veneracion.

Producer is Rein Entertainment, which he and friend Philip King owned.

Well, good luck sa pagbabalik showbiz mo, direk Lino.

TIRSO CRUZ III

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with