Ibinahagi ng Kapuso actress na si Lovely Abella ang pagkagalante ni Marian Rivera na nagbigay ng malaking halaga sa kanya noong maospital ang kanyang ina.
Sa latest Instagram post ni Lovely, ikinuwento niyang katatapos lang ng guesting niya sa bagong sitcom ng mag-asawang Marian at Dingdong Dantes at kasunod nito ay ibinida niya ang napakalaking tulong na ginawa sa kanya ni Kapuso Primetime Queen na hinding-hindi raw niya makakalimutan.
Ayon sa kwento ni Lovely, five years ago raw nang maospital ang kanyang ina at si Marian daw ang kauna-unahang nagbigay ng tulong sa kanya na ayaw ipasabi ng aktres.
“Kakatapos lang ng guesting ko sa bagong sitcom ni ate yan at kuya dong ang JOSE and MARIA’S BONGGANG VILLA kaya gusto ko lang ishare sa inyo ang KWENTONG TOTOO! na ayaw ipasabi ni ate yan 5 years ago.
“Di ko makakalimutan ang napakagandang puso ng taong to, hindi kami kumakain ng sabay, di kami nagkakausap ng matagal pero noong panahon na nag 50/50 ang mamang ko, siya ang kauna unahang nagbigay ng tulong sakin.
“Pinaabot niya ang cheque at sabi sana gumaling ang Mama,” pagbabahagi ni Lovely.
Ayon pa sa aktres, nakapalaking halaga raw ang ibinigay ni Marian.
“Unexpected na galing saknya ang napakalaking halaga na yun. Hindi lang ako humanga sa kung gaano siya kaganda, kundi sa kagandahan din ng kalooban niya hindi dahil nagbigay tulong siya sakin kundi tinatanaw ko na utang na loob ang tulong na yun,” kwento ni Lovely.
Kasunod nito ay nagpasalamat siya kay Marian at aniya ay lagi niyang ipinagdadasal ang aktres at ang pamilya nito.
“Lagi ko sinasabi pag ako yumaman di ko kakalimutan ang mga taong tumulong sakin financially at emotionally. Di man materyal ang naisokli ko ate @marianrivera pero lagi kang kasama sa dasal ko at ang buong pamilya mo at isa na rito ang bagong show mo.
“Muli salamat ng marami, Mahal kita ate,” pagtatapos ni Lovely.
Ken, na-miss kumanta
Balik sa pag-awit si Ken Chan sa kanyang newest single titled Quaranfling under GMA Music.
Paglalarawan ni Ken sa kwento ng awitin, “it’s a love story na nabuo during the pandemic.”
Very timely ang kanyang awitin and at the same time ay naghahatid ng napakagandang mensahe para sa lahat.
Aminado ang aktor na talagang na-miss niya ang pagkanta kaya naman very thankful siya sa GMA Music for giving him that opportunity again. This single is his comeback to the music scene since he released 1 Like in 2019.
“Na-miss ko talagang kumanta but because of GMA Music, nabigyan po ako ulit ng opportunity na magkaroon ng bagong single na Quaranfling. For sure, marami ang makaka-relate rito dahil sa title pa lang, alam mo na agad kung ano ang kwento,” anang aktor.