^

Pang Movies

Christopher, takot na takot sa injection!  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Christopher, takot na takot sa injection!           

Nabuking si Christopher Roxas sa programang Mars Pa More na takot pala sa injection.
Pinakita ang isang video na kinakabahan ang mister ni Gladys Reyes habang naghihintay na maturukan ito ng COVID-19 vaccine.

Kuwento pa ni Gladys na para raw niyang naging anak ang mister dahil kailangan pa raw bola-bolahin niya ito para hindi ito matakot sa injection. “Mas matagal pa ‘yung inarte-arte niya kesa sa pagturok sa kanya. Nagtsi-cheer pa ako ng ‘kaya mo ‘yan.’ Bago pa niya naramdaman, eh tapos na siyang maturukan,” sey pa ni Gladys.

Sa laki nga raw na lalake ni Christopher, ang injection daw ang kinakatakutan nito. Ito rin daw ang dahilan kung bakit hindi ito nagpapa-tattoo sa katawan dahil sa takot nito sa karayom. Noong maturukan daw ang aktor para sa second dose ng vaccine, nawala raw ang takot niya.

Nabuking din sa show na muntik na palang gumawa ng isang sexy movie si Christopher na pinagtalunan nila ni Gladys. Nabasa raw kasi ni Christopher ang script at nagustuhan niya ito. ‘Yun nga lang daw, may sexy scenes na kailangan niyang magpakita ng maselang parte ng katawan niya.

Sey ni Gladys : “Pinag-usapan namin ‘yan. Sabi ko sa kanya, ‘Kung kelan ka naman tumanda, gagawa ka pa ng ganyang pelikula? Ano ka ba?’ Hindi naman kami nag-away. Kailangan lang naming pag-usapan bago siya magdesisyon, ‘di ba? Kasi malalaki na ang mga anak namin. ‘Yun lang ang inaalala ko.”

World’s most powerful woman, pumanaw sa cancer

Pumanaw na ang isa sa tinawag na world’s most powerful woman na si Madeleine Albright. Si Albright ang kauna-unahang babae na na-appoint bilang US Secretary of State mula 1997 hanggang 2001 sa ilalim ng pamumuno noon ni former US, President Bill Clinton.

Cancer ang naging dahil nang pagpanaw ni Albright sa edad na 84 ayon sa official statement ng pamilya nito.

Born in Prague as Marie Jana Korbelova on May 15, 1937, anak si Madeleine ng Czech refugees na tumakas sa Europe dahil sa pamumuno ng Nazis and Communists. Nag-convert ang kanyang pamilya to Catholicism at tinago nila ang kanilang pagiging Jewish.

Nag-aral ng political science at Wellesley si Madeleine at kinasal siya kay Joseph Medill Patterson Albright in 1959. Nagsimula ang kanyang political career in 1972 sa ilalim ni US President Jimmy Carter. Naging adviser siya ng democratic presidential nominees na sina Walter Mondale, Michael Dukakis, and Clinton on foreign policy.

Naging US rep si Albright to the UN (1993-1997) bago siya na-appoint sa office of Secretary of State. Naglabas ng memoir si Albright noong 2003 titled Madam Secretary.

CHRISTOPHER ROXAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with