Bodie, iniwan ang showbiz para magpastor
Ang anak pala nina Tirso Cruz III at Lyn Cruz na si Bodie Cruz ang nagkasal kina Geoff Eigenmann at Maya Flores-Eigenmann noong Feb. 22, 2022. Pastor sa Victory Church sa Alabang si Bodie at doon ikinasal sina Geoff at Maya.
Nag-showbiz din si Bodie, marami siyang ginawang shows sa GMA 7 at lumipat sa ABS-CBN, hanggang sa tumigil na sa showbiz at nag-focus sa pagiging pastor. Napanood namin ang ilang video ni Bodie bilang pastor at magaling siya.
Sabi nito, “it was a privilege sharing this milestone with good family friends. Celebrating with you in your new season, Geoff and Gelli. Declaring God’s abundant blessings for your marriage.”
Ang ganda rin ng message ni Geoff sa wedding nila ni Maya, “Mr. & Mrs. Eigenmann 2*22*22 , 2,212 days (6 years +22 days) and 3 kids later. Finally sealed the deal.”
Carla, tinawag na stalker at immature
Tinawag si Carla Abellana na stalker sa Instagram ni Tom Rodriguez dahil lahat ng hindi magandang comments kay Tom, nila-like. Gaya ng nag-comment na cheater si Tom, ni-like ni Carla, sabi tuloy ng isa nilang fan, dumayo pa si Carla sa IG ni Tom para mag-like sa comment kay Tom. Immature raw si Carla dahil nananahimik si Tom, pero siya busy sa pag-i-stalk kay Tom.
May nag-comment na sinayang si Tom ang tiwala ng biyenan niya sa kanya dahil nagawa nitong saktan si Carla. Isa rin si Carla sa nag-like sa comment na ‘yun. Pati ang nag-comment na parang hindi affected si Tom sa nangyari sa kanila ni Carla, ni-like rin ng aktres.
Pati ang isang tsismis kay Tom, ni-like rin ni Carla na hindi ikinatutuwa ng iba nilang fans. Pinayuhan si Carla na magbakasyon muna sa IG para matigil na rin ang speculation ng netizens sa ugat ng kanilang problema at sa kanilang paghihiwalay.
May naniniwala namang sa sobrang galit ni Carla, sa pagla-like na lang sa nega comments kay Tom inilalabas ang sama ng loob. Kaya hayaan na lang daw mag-like nang mag-like si Carla.
Samantala, in the market pa rin ang condo unit ni Carla sa The Grove by Rockwell at available for sale or lease. Nabawasan na raw ng P2M ang asking price at below the market value na ang total cost nito. Maganda ang unit ni Carla at kasama sa asking price ang parking space na P1M pala ang rent.
Bernard, naka-wheelchair sa kabuuan ng Widows’ Web
Challenging kay Bernard Palanca ang role niya sa Widows’ Web dahil sa buong series, nasa wheelchair lang siya. First time niya sa ganitong role at mahirap nga naman lalo’t kailangan mong mag-react.
Sa Monday, Feb. 28, ang world premiere ng Widows’ Web at doon pa lang natin malalaman kung ang karakter niyang si William Suarez ba ang asawa ni Hillary Suarez na ginagampanan ni Vaness del Moral.
Katatapos lang ni Bernard ng Legal Wives sa GMA 7, heto at may follow-up project agad siya.
- Latest