Marina, emosyonal pa rin sa relasyon kay Ricardo  

Hindi napigilan na maiyak ang beauty queen-actress na si Marina Benipayo nang mapag-usapan ang isang dekadang relasyon nila ni Ricardo Cepeda.

Para kay Marina, mahusay na ama si Ricardo sa kanyang mga anak. “When Richard came into our lives, it was the first time my boys actually recognized a father.

“Ewan ko kung nangyari rin sa ibang mga naging single mom, but it’s not na ‘yung standards mo ay bumaba, it’s not that at all. It’s just that you are looking for someone who will truly love your children.

“With Ricardo kasi, it felt so light and my kids... ang ganda eh. I mean, you’re expecting na magkaka-friction, magkaka-questions.

“My kids just accepted him, they felt good about him being their tito. So parang okay din kasi pinabayaan ni Lord na ibigay siya sa akin.

“Lumaki kasi ‘yung kids ko na walang father. Ako ‘yung father figure. So I truly feel na Richard is a gift, gantimpala na rin, siguro sa lahat ng napagdaanan namin ng kids ko also,” maluha-luhang sabi ni Marina.

Para naman kay Ricardo, alam niyang mahusay na ina si Marina dahil kahit single parent ito, napalaki niya ng mababait at marespeto ang kanyang mga anak.

Hindi rin daw pipigilan ni Ricardo si Marina sa acting career nito dahil mahusay raw itong kontrabida sa teleserye na I Left My Heart in Sorsogon.

Miss U PH, naghahanap na ng kapalit ni Beatrice

Bukas na ang Miss Universe Philippines sa pagtanggap ng mga bagong magiging contestants para sa taong 2022.

Ang anunsyo ay inihayag sa social media noong nakaraang Martes kasama ang listahan ng mga kinakailangang katangiang ng aspiring beauties.

Dapat ay nasa edad 18 hanggang 28 ang applicant sa pagsapit ng Miss Universe Philippines coronation night sa April 30. Dapat ay isang Filipino citizen at may pasaporte, wala pang asawa at walang anak.

Isang ikinatuwa ng marami ay walang height requirement na hinihingi.

“Follow the footsteps of your favorite Miss Universe Philippines queens and start a queendom of your own,” ayon pa sa caption ng MUP.

Maaaring makuha ang application form sa Instagram bio ng Miss Universe Philippines at ipadala sa contact@missuniverseph.com.

Tatanggapin ang application hanggang 11:59 p.m. ng Feb. 15.

Si Beatrice Luigi Gomez ang reigning Miss Universe Philippines, na nakapasok sa Top 5 ng international pageant noong nakaraang December sa Israel.

‘Di makakalimutan ang namatay na baby… The masked singer host Nick Cannon, may paparating na ika-walong anak

Isang buwan pa lang ang nakakaraan noong pumanaw ang five-month-old baby boy ng The Masked Singer host na si Nick Cannon dahil sa sakit na cancer. Pero kelan lang ay inanunsyo ng TV host sa kanyang talk show na parating na ang ika-walong baby niya mula sa model na si Bre Tiesi.

Sinabi ni Cannon na bago pa man daw pumanaw ang baby boy niya last year, alam na niyang buntis si Bre. Pero hindi raw niya ito pinaalam sa publiko dahil sa naging situwasyon niya.

“I misspoke and probably went too much into detail on Monday expressing my feelings. And it pro­bably felt like I was making some comparatives when talking about the passing of my son Zen and then also talking about the new child I’m expecting. I didn’t need to do that because those are two completely separate moments in my life and they both deserve the respect.”

Kahit na may bago siyang baby na paparating, hindi raw mawawala ang pagmamahal niya sa pumanaw na anak na si Zen at sa ina nitong si Alyssa Scott.

“I love her, I love my son Zen, and I always will. And I’m going to love my new child. I’m a responsible human being and I take full responsibility for everything, so I must say I sincerely apologize to everyone involved for any extra pain or confusion that I may have caused.”

Show comments