Katrina, nanigas ang mga kamay ng 1 ½ buwan!
Nagkasakit si Katrina Halili habang nasa lock-in taping ng Book 2 ng Prima Donnas at sa mediacon ng hit Afternoon Prime ng GMA 7, nakuwento nito na parang nag-freeze ang kanyang mga kamay.
“Hindi ko maigalaw ang mga kamay ko for one and a half month at sobra akong giniginaw. Patung-patong na ang damit ko, may medyas, at gloves na ako, pero giniginaw pa rin ako. Tiniis ko ang sakit dahil ayaw kong maging cause ng delay at ayaw kong magkaproblema sa taping.”
Nang malamang tatagal ang taping nila, nagpaalam siya kung puwedeng magpaospital muna at doon nalamang ang nerve niya sa may leeg ang nagkadiperensya at nadamay ang kanyang mga kamay. Okay na si Katrina at pagkatapos maospital at mag-take ng medication, natapos niya ang lock-in taping na tumagal ng 82 days.
Sa Book 2 ng Prima Donnas na ang fresh episodes ay magsisimula ang airing sa Jan. 24 dahil recap muna ang mapapanood sa Jan. 17 to 21, mag-asawa na sina Lilian (Katrina) at Jaime (Wendell Ramos). Sabi ni Katrina, maraming twist sa story na dapat abangan ng manonood.
Sina Gina Alajar at Phillip Lazaro ang dalawang directors nito.
Drew at Iya, nakakapag-tiktok kahit may COVID
For someone na positive sa COVID-19, nakakapag-threadmill si Drew Arellano at nakapag- TikTok. Nasa IG story nito na nagti-threadmill siya sa Day 6 ng isolation nila ng asawang si Iya Villania.
Pinost din nito ang TikTok nila ni Iya at sinabayan ang TikTok ni Rayver Cruz na kung saan pinag-tripan ng kanilang friends si Drew dahil marunong daw palang magsayaw. May nagbiro pa na sira si COVID kina Drew at Iya dahil nga nagti-TikTok at si Drew.
Samantala, pati pala si Pokwang naka-isolate at nalaman ito nang mag-comment siya sa post ni Iya tungkol sa pagiging COVID positive. Si Pokwang ay pang-fourth day na ng isolation nang mag-comment sa post ni Iya at nami-miss na rin ang anak na si Malia.
Arnold, maraming natutunan
May update rin si Arnold Clavio sa kanyang 5th day isolation kahapon. May ubo, sore throat at may sipon na rin siya. Kahapon, ang temperature niya ay 36.4 at ang oxygen level ay 98/78.
Sabi ni Arnold, sa kabila ng kanyang pag-iingat, pagsusuot ng mask, hand washing, social distancing, pagte-take ng vitamins, at immune booster, tinamaan pa rin siya. But while in isolation, marami siyang realization.
“In isolation, you will appreciate little things...flowers, fresh air, your vitamin D and your me time... Make it a humble experience... Reflect. Rethink. Recharged. Reborn. We deserve a better world.”
Pinasalamatan ni Arnold ang mga nagdadasal sa kanyang panggaling at ang pakiusap, ipagdasal din ang mga may sakit pa.
Nagbigay ng tips sa mga positibo…
Nag-IG Live si Cong. Alfred Vargas sa tinawag niyang “quarantine corner” sa kanilang bahay at nagbigay ng update sa kanyang kondisyon kung saan, nalamang positive siya ng COVID. Negative raw ang mga anak at asawa niya.
Day 3 na kahapon ng kanyang isolation si Alfred at ang payo, kapag may nakasamang positive ng COVID, mag-isolate agad para hindi na makahawa. Dinasal daw niya na siya na lang ang magkasakit, ‘wag na lang ang mga anak niya at asawa at ipinaalalang kahit mild ang symptoms ng Omicron, madali namang makahawa.
Nabanggit din nitong okay pala ang suob na nakatulong sa kanya at ikinuwento ang mga tine-take na vitamins at bilang treat sa kanyang sarili, nag-ice cream siya. Naalala namin, hindi naniniwala ang ibang doctors sa suob, pero kung nagwu-work sa’yo, bakit hindi gawin.
- Latest