Kapag hindi siya busy sa kanyang showbiz career, asahan na natutok ang aktres na si Sheena Halili sa pag-aalaga sa kanyang one-year old daughter with husband, lawyer Jeron Manzanero na si Martina who turns one year today, Dec. 13 at sa kanyang papel bilang maybahay.
StarStruck alumna ang Kapuso actress married current Pasig City’s administrator na si Atty. Jeron Manzanero nung Feb. 23, 2020 bago dumating ang pandemya nung March 2020. The couple got engaged nung August 26, 2016 pero it took them almost four years bago nagpakasal. December 13, 2020 naman isinilang ang kanilang first born na si Martina.
Although may asawa’t anak na si Sheena, tuloy pa rin ang kanyang showbiz career at ito ang ipinagpapasalamat niya sa kanyang mister na hindi siya pinigilan sa kanyang pag-aartista.
“Nakilala naman kasi ako ng husband ko na ito na ang trabaho ko kaya hindi niya ako pinahinto sa pag-arte dahil alam niyang love ko `to,” ani Sheena.
Ngayong isa na rin siyang ganap na ina, ngayon niya lubos na nauunawaan ang kanyang ina.
Si Sheena ay huling napanood sa TV drama series ng GMA, ang Bilangin ang Bituin sa Langit na tinampukan nina Nora Aunor, Mylene Dizon at Kyline Alcantara kasama sina Zoren Legaspi, Candy Pangilinan, Ina Feleo, Isabel Rivas, Dante Rivero at iba pa na nagtapos sa ere nung nakaraang March.
Si Sheena ay pinsan ng isa pang Kapuso actress na si Katrina Halili.
John Arcilla, tinaguriang young Eddie
Ang award-winning actor na si John Arcilla ang kaisa-isang actor sa kanyang age level ang lumagda ng management contract with ABS-CBN’s talent management arm, ang Star Magic this year kaya ang nasabing kumpanya na ang nangangalaga ng kanyang showbiz career ngayon.
Dubbed as the young Eddie Garcia of the present generation, si John ay pitong taong gulang pa lamang noon nang ito’y makitaan ng kanyang mga magulang na may hilig nang umarte. Since elementary up to college ay naging participant na ang actor sa plays at kasama na rito ang pagiging active member niya dati ng Philippine Educational Theater Association (PETA).
Si John ay nagtapos bilang scholar ng Mass Communications sa St. Joseph’s College in Quezon City. Naging acting scholar din siya ng Actor’s Workshop Foundation sa ilalim ng pamamahala ng actress-director an si Laurice Guillen at Leo Martinez. Bago pa man napasok ni John ang telebisyon at pelikula ay hasang-hasa na ang kanyang acting experience sa teatro.
Taong 1996 nang makamit ni John ang kanyang kauna-unahang acting award sa pelikula nang siya ang tanghaling Best Actor ng Manila Film Festival para sa pelikulang Mulanay na dinirek ng yumaong director na si Gil Portes. Sa sumunod na taon (1997) ay tinanghal naman siyang Best Supporting actor ng Gawad Urian para sa pelikulang Ligaya ang Itawag Mo Sa Akin na pinagtambalan nila ni Rosanna Roces at pinamahalaan ni Carlitos Siguion-Reyna.
Nagpatuloy ang paggawa ni John ng pelikula at serye at lalong lumutang ang kanyang husay bilang actor ng kanyang gawin ang historical biopic na Heneral Luna in 2015. The movie cemented bilang isang mahusay na actor at pagiging box office actor. Lalong nagpatuloy ang kasikatan ni John nang kanyang gampanan ang papel ni Renato Hipolito, ang main villan sa top-rating and long-running action drama series na FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan at pinamamahalaan ni Coco Martin.
Si John ang tinanghal na Best Actor (Volpi Cup) sa 2021 Venice Film Festival dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang On The Job: The Missing 8 na dinirek ni Erik Matti. Ito bale ang unang international award ni John bilang actor. Muli na naman niyang mapapatunayan ang kanyang husay sa pag-arte sa pamamagitan ng kanyang MMFF movie na Hard Days na pinagsasamahan nila ni Dingdong Dantes mula sa dirkesiyon ni Lawrence Fajardo under Viva Films. Ang nasabing pelikula ay local adaptation mula sa K-movie of same title.