Surreal talaga ‘pag nakita mo ngayon ang showbiz writers na nagtitipun-tipon uli para sa presscon. Parang meron kang na-miss na hindi mo alam, parang merong nawala na gusto mong hanapin.
Ang sarap-sarap na unti-unti na namang bumabalik-sigla ang paligid, to think na ilang araw na lang Pasko na. Gusto ko ngang isiping bongga ang party ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) dahil gaganapin ng Dec. 1 na para bang hudyat na heto, party na tayo ang ibig sabihin.
Magandang signal din na unang Pilipino movie sa nagbukas na sinehan ang Yorme ni Isko Moreno, kalaban ng mga higanteng English film, parang presidential race rin ang laban, David and Goliath. Ang ganda na patapos ang taon, parang patapos din ang pandemic para sa atin na lumalaban tayo. Good sign for a new year to start.
Mga senior star, marami na uling exposure
Parang gusto ko na uling bumalik sa panonood ng K-drama. Talagang for a while nawala ang addiction ko, pero now mukhang ibabalik ko na uli. Hindi ko kasi makuha talaga ‘yung kung minsan pabalik-balik na theme sa mga story telling natin sa local shows. Iyon talagang iniisip mo, napanood ko na iyan, nakita ko na iyan, ganito magiging ending niyan.
Bakit ba kadalasan sentro ng istorya natin ‘yung young stars, kahit na mas magandang exploit ‘yung twist ng mas senior star. Bakit kailangan lagi nating isentro ‘yung loveteam, na mas maganda pa ang back story ng older cast? Dapat din siguro manggaling na rin sa writers ang pag-educate ng taste ng viewers, after all, marami na sa atin ang naging addict ng Koreanovela kaya matatanggap na natin na dapat iba na ring twist ang ibinibigay sa mga panonoorin natin.
At least now, lahat ng kasali sa project may important role na dahil talagang nasa istorya na sila. Mababago na ang star system natin, mabibigyan na rin ng enough exposure ang mas senior stars. Bobongga na ‘di ba? Dadami na mga Eddie Garcia at mga Charito Solis. Lahat ngayon may premium na.