Sa edad na 23 ay living independently na si Claire Castro.
Ayon sa Kapuso Breakout Star, tinulungan pa raw siyang makahanap ng place ng ama niyang si Diego Castro.
“My dad naman wants me to be independent since I’m already working. He thinks na I deserve my own space na.
“Gusto ko rin naman kasi it will teach me lots of things like budgeting my money, matututo akong magluto at maglinis ng place ko. Lahat yan gusto ko ma-experience on my own.”
Dahil panganay si Claire sa mga anak ni Diego kaya nanatili siyang daddy’s girl.
“I will always be daddy’s little girl. I will be present in all of our family’s occasions kahit di na ako nakatira sa bahay namin.”
After Nagbabagang Luha ay gusto ni Claire na mas matindi pang character ang gagampanan niya.
Olivia naghakot ng nominasyon sa American Music Awards
Ang Fil-American pop singer na si Olivia Rodrigo ang nakakuha ng pinakamaraming nominasyon sa 2021 American Music Awards.
Makakalaban niya sa top prize sina Taylor Swift, BTS and Drake.
Nakuha ng 18-year old singer ang seven nominations for artist of the year, best new artist, and favorite pop song for her debut single, Drivers License.
Six nominations ang nakuha ni The Weeknd, at tig-lima ang nakuha nila Doja Cat, Giveon at Bad Bunny.
Rodrigo, The Weeknd, K-Pop band BTS, rapper Drake and Ariana Grande will face off for artist of the year against Swift, who last year won the title for a record sixth time.
Gaganapin sa Los Angeles ang AMAs on Nov. 21.