Sa online interview ni Kim “Kuya Kim” Atienza sa GMA Network, inamin niya na nang mag-decide siyang lumipat ng network, wala sa option niya ang GMA dahil wala namang offer sa kanya. Pero nang dumating ang offer, kasama ang ilang friends, na nasa ibaba sila ng isang gym, nag-seek siya ng opinions at humingi ng signs sa desisyong gagawin niya.
At dumating ang unang sign nang may tumawag sa kanya ng ‘Kuya Kim,’ si Alden Richards, habang bumababa ng gym. Sabi agad ng mga kasama niya, “‘di ba taga-GMA siya?” Kasunod, tumawag naman sa kanya ang good friend niyang si Angel Javier Cruz, Vice President ng GMA Corporate Affairs and Communications, then tumawag si GMA Pictures President Annette Gozon Valdes. “All in that same day, kaya kinilabutan ako. Sabi ko, Lord,’ yung signs na ibinigay mo, ang linaw.”
Maagap na sinagot naman ni Kuya Kim ang balitang papalitan na niya ang weather forecaster na si Mang Tani na kasalukuyang nagbabakasyon sa Australia, with his family, sa 24 Oras. “Hindi totoo, I will be there to support him. Hindi naman ako papayag kung ang pagpasok ko sa top-rating newscast would mean another person’s loss of opportunity.”
After the online interview, nag-guest na si Kuya Kim sa Kapuso Mo, Jessica Soho, na ayon sa manager niyang si Noel Ferrer, ay tatlong oras nag-enjoy sa interview ni Jessica Soho, na mapapanood na this Sunday, Oct. 10, after ng The Clash 4 sa GMA 7.
Claire, kinabubuwisitan!
Maraming netizens ang nagagalit sa kamalditahan ni Claire Castro (as Cielo) sa Nagbabagang Luha, pero humahanga naman sila dahil sa kahusayan nito.
Isang comment nga “makita ko lamang ang face niya sa screen, naiinis na ako pero ang husay-husay niya, kayang-kaya niyang dalhin ang character niyang obsessed kay Alex (Rayver Cruz) ang asawa ng sister niyang si Maita (Glaiza de Castro). Kaya talagang sinubaybayan ko kung paano niya lulusutan ang pagsisinungaling niyang nabuntis siya ni Alex, dahil hindi nga totoo.”
Ang eksena ng pekeng pagbubuntis ni Cielo, ay umani ng mahigit na 2 million views at patuloy na sinusubaybayan dahil lagi pa ring nakakalusot si Cielo, kaya excited na ang netizens kung paano malalaman nina Maita at Alex, at kahit ng ina ni Alex, si Calida (Gina Alajar), na hindi nga totoong buntis si Cielo.
Nasa last two weeks na lamang ang Nagbabagang Luha airing Mondays to Saturdays, 2:30 p.m.
Prima Donnas, naka-quarantine na para sa season 2
Tiyak na excited na ang fans ng GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas dahil nagsimula na sila ng lock-in taping ng season two ng series. Ang tanong, kung may madadagdag bang characters sa serye?
For the followers naman ng First Yaya, tuloy na rin ang season two nila. Balitang magka-quarantine na sila sa first week ng November, at tuloy na ang lock-in taping nila hanggang sa Christmas break na.