Kahit na may mga negative feedback sa pagganap niya bilang obsessed sister sa GMA teleserye na Nagbabagang Luha, natutuwa si Claire Castro dahil ibig sabihin ay effective siya sa pagganap niya bilang si Cielo. Sey pa ng Kapuso breakout star: “It’s hard to play my character kasi ang dami pong angry outburst pero ang dami ko rin pong natutunan. I started out playing ‘yung mga best friend role ganyan tapos ‘yung lines ko po mga tatlong piraso lang tapos ‘yung mga eksena ko po three scenes a day. From that to like 22 scenes, nag-jump po talaga so sobrang laki pong learning experience ‘yung pagganap na Cielo.”
Sa isang panayam sa anak ng actor-turned-newscaster na si Diego Castro, binasa nito ang ilang tweets ng netizens tungkol sa character niyang si Cielo. Natuwa si Claire dahil mas marami raw ang positive kesa sa negative.
“Actually, yung negative tweets is directed to my character, Cielo. Wala naman pong negative about my performance na ikinatutuwa ko po. Pero ang tinuro po sa amin sa workshop, kailangan intindihin namin ‘yung character, saan siya nanggagaling, bakit siya ganoon. Marami po kasing layers ‘yun e so kahit papano kailangan ko pong unawain kung saan siya nanggagaling kahit gano’n siya.”
Harry Potter actor, nag-collapse sa Ryder Cup Celebrity Match
Sinugod sa ospital ang Harry Potter star na si Tom Felton pagkatapos itong mag-collapse sa 18th hole ng star-studded 2021 Ryder Cup Celebrity Match at Whistling Straits Golf Course in Sheboygan, Wisconsin.
Hindi pa klaro kung bakit biglang nahimatay ang aktor. Sinakay si Felton sa golf cart at agad pinadala sa ospital for medical assistance.
Sa isang update mula sa kaibigan ng aktor na si Derek Pitts, okey na raw ang pakiramdam ni Felton at nagpapahinga na ito.
Nangyari ito a day after ng 34th birthday ng aktor. Nakilala si Felton sa pagganap niya as Draco Malfoy sa walong Harry Potter films.
Ito ang pinost ni Felton sa social media noong birthday niya: “33 years done – good lord it’s been so much fun getting here – yet, somehow, I still feel the best is yet to come. Thank you all for your love, support & sense of humour – let’s keep a good thing going – to the next 33 xx.”