Beteranong aktor na si Pen Medina, ‘DI naniniwala sa bakuna at face mask
Napanood namin ang video na ini-interview si Pen Medina na nasa isang rally yata ‘yun at walang suot na face mask. Sa interview sa aktor, nalamang hindi sila naniniwala sa face mask dahil sa sobrang liit daw ng virus ng COVID-19, papasok pa rin sa bibig at sa ilong kahit may suot na face mask.
Bukod sa hindi naniniwala sa face mask, anti-vaxx din si Pen at suportado nito ang mga kagaya niyang ayaw magpabakuna. Napag-aralan din daw niya na walang bisa ang mga bakuna sa COVID-19.
Gustong malaman ng netizens kung si Pen lang sa kanyang pamilya ang hindi naniniwala sa bakuna?
Gusto ring malaman ng netizens ang mga pag-iingat na ginagawa niya para hindi tamaan ng COVID.
Nadine, ang daming meme sa pagbili ng sarsa
Ang daming naglabasang memes sa nag-viral na photo ni Nadine Lustre na bumili ng pang-sarsa sa ulam nilang lechon. Pinakakuwela sa meme ay ‘yung lalakeng ginaya ang top na suot ni Nadine, kaya imadyinin n’yo kung gaano ka-laughtrip ang hitsura nito.
May isa pang meme na Zonrox naman ang binili at may isa pang meme na tinapalan ng ibang mukha ang mukha ni Nadine. Sinakyan nga ng Mang Tomas ang viral photo ni Nadine, ginamit sa ad nila pati ang kamay ni Nadine at ang tagline ng ad ay “Uy! Pati siya nagma-Mang Tomas NADIN!”
Dennis, lumebel na kina Piolo at Gerald
Pinost ni Dennis Trillo ang poster ng On The Job at ang announcement na for streaming ang pelikula ni director Erik Matti sa HBO GO simula September 12. Makikita sa poster ang cast ng dalawang On The Job movies na ginawang series kaya kasama sina Piolo Pascual at Gerald Anderson na nasa cast ng On The Job: Journey at sina Dennis, Lotlot de Leon, at John Arcilla na tampok sa sequel ng movie at pinamagatang On The Job: The Missing 8.
Ang caption ni Dennis ay “Kasali ba talaga ako dito? Dreams do come true...@otj2.”
Napanood namin ang teaser ng OTJ series na i-stream sa HBO GO at kung napanood mo ang first OJT, manghihinayang ka na hindi sa mga sinehan maipalalabas ang OTJ2: The Missing.
Kasing tindi ng mga eksena sa part one at part two at sa napanood namin, hired killer dito si Dennis. Mahusay nga si Dennis, kaya nasabi ni direk Erik na mahusay ang aktor at niyaya ngang sumama at dumalo sa 78th Venice International Film Festival na kung saan, In Competition ang On The Job: The Missing 8.
Kaya, kasama si Dennis nina direk Erik, John at Dondon Monteverde na aalis sa first week ng September. Five days lang daw si Dennis sa Venice, gusto lang ma-experience ang vibes na in competition ang movie na kasama siya.
- Latest