Cher Calvin, ikinasal sa Korean-Japanese banker
Ikinasal last Sunday, August 8 sa Beverly Hills Hotel in Los Angeles, California ang kaisa-isang anak ng dating Sampaguita matinee idol na si Roger Calvin, ang New York-born and raised and award-winning news anchor ng KTLA na si Cher Calvin sa kanyang banker husband, ang US-born and raised Korean-Japanese na si Aki Oshima.
Cher turned-47 last August 1 na nagsilbi ring pre-wedding party celebration niya with her friends.
Si Cher ay nagtapos ng journalism sa New York University. Sumubok rin si Cher sa kanyang hosting job sa Pilipinas ng ilang taon. Isa siya sa hosts ng fashion magazine show na F maging ang News Central ng dating Studio 23 now ANC (ABS-CBN News Channel).
Habang nasa Maynila ay naging nobyo niya ang Fil-Am actor na si Troy Montero na longtime partner na ngayon ng actress-entrepreneur at social influencer na si Aubrey Miles.
Bago ang KTLA ay naging news anchor siya ng KVVU in Las Vegas, Nevada for Fox News. Siya’y six times Emmy awardee at apat na beses naman siyang nakakuha ng Golden Mike Awards bilang news anchor ng KTLA in Los Angeles, California.
Sina Cher at Aki ay nagkakilala noong 2016 and got engaged noong December 19, 2020. Gusto sana nilang magpakasal sa Paris, France pero dahil sa pandemya ay nagdesisyon ang couple na sa Los Angeles, California na lamang in the presence of their respective families and friends. Pagkatapos ng kanilang kasal ay lumipad ang newly-wed couple patungong Kauai Island ng Hawaii para sa kanilang honeymoon.
Samantala, umaasa ang ama ni Cher na si Roger Calvin na mabibigyan pa rin siya ng apo ng kanyang only child. Ang ina ni Cher na si Dr. Delia Santos-Calvin died of cancer noong 1994 kaya mag-isa na rin si Roger na namumuhay. Pabalik-balik siya ng Maynila, New York at LA where he maintains his own condominium unit.
- Latest