Nagwagi pala ang Pilipinas sa Mrs. Tourism Universe 2021 na ginawang virtual noong nakaraang August 3. Si Hemilyn Escudero-Tamayo ang naging representative ng Pilipinas. Former president of Mutya ng Pilipinas si Hemilyn at tinalo niya ang 30 candidates mula sa iba’t ibang bansa.
Bukod sa titulong Mrs. Tourism Universe, napanalunan din ni Hemilyn ang special awards for Best in Talent, Best in Speech, Best in YouTube Views, and Facebook’s Most Viewed Mother.
Sumali si Hemalyn sa naturang pageant dahil sa advocacy niya na “tourism and being a mother who cares for the world.”
Naging super supportive ang mister niya na si Richard Tamayo, president of Perpetual Help Medical Center.
Former sexy actor Dante Balboa, ayaw tumigil sa pag-aaral
Nakapagtapos ng kanyang degree in Masters of Arts in Filipino mula sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) ang former sexy actor ng Seiko Films na si Dante Balboa. Natapos ni Dante (Elmer Anisco sa tunay na buhay) ang kanyang master’s degree ng dalawang taon at kalahati. Napagsabay nga niya ang pag-aaral niya habang siya ay nagtuturo at inaasikaso ang kanyang sariling negosyo. “I studied a lot because I want to have a meaningful and productive personal rewards every year. It’s just a matter of time management because since I was a kid, I always plan my life. Literally speaking, I always have a goal per week, per month, per year and per decade,” sey ni Dante.
At nasa plano pa rin daw ni Dante na kumuha pa ng ibang kurso habang kaya pa niyang mag-aral. “I won’t stop my studies until I finished my doctoral degree. I’m planning to take my PhD in Filipino in Malikhaing Pagsulat in UP Diliman this coming school year and still do my advocacy for our country. Life is too short, I want to live my life to the fullest. I want to have a meaningful legacy when I’m gone.”
Nagsimula bilang model hanggang sa pasukin ni Dante ang pagpapa-sexy sa pelikula noong 2002. Naging contract star siya ng Seiko Films at ginawa niya ang mga pelikulang Kasiping, Temptasyon, Takaw-Tingin at Karelasyon.