Simon, kinaaasaran
Marami ang nagtatanong sino raw ang bagong mukhang kontrabida ni Coco Martin sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano. Mukha raw maangas at mabalasik makipag-usap sa mga kasama sa naturang taping sa Batangas. Imagine kahit si Richard Gutierrez ay walang takot niyang hinahanting dahil sa pagkamatay ng anak?
Well, si Simon Ibarra ang promising na kontrabidang kinaaasaran ngayon ng followers ni Cardo Dalisay. Si Christian Vasquez nga ay sinumbatan ni Simon na naging sanhi ng pag-aaway nilang mag-asawa na ginagampanan ni Kring Kring Gonzalez. Si Simon ay malimit gumanap ng bit role pero natuklasang powerful palang umarte bilang kontrabida.
Nakapagbida na rin si Simon noong panahon masigla ang action movies ng independent producers noon sa Escolta.
Willie, naudlot ang pagma-manage kay jlc
Kung totoong kakandidato ngayong coming election si Willie Revillame, imposible ngang i-manage niya ang career ng comebacking actor na si John Lloyd Cruz sa rami ng mga trabaho niya sa Wowowin.
Hindi nga makakayanan ng TV host na mag-manage pa ng artista and besides, hindi na rin niya masosolong i-manage si Lloydie dahil naunang nabalita na si Maja Salvador ang bagong manager ng aktor.
Gov. Daniel, wala nang oras sa showbiz
May mga offer na teleserye si Bulacan Governor Daniel Fernando pero hindi niya matanggap dahil mabigat ang tungkulin niya sa Bulacan bilang Governor at imposibleng magbalik-telebisyon kahit maganda ang role. Inaasikaso niya ang pagbabakuna sa mga kababayan against COVID na medyo humuhupa na ang paglaganap ng naturang salot galing China.
Nakapagpamigay na rin si Daniel ng pinansyal na tulong panghanapbuhay sa mga lumalapit sa kanya sa Municipal Office ng Malolos.
May balitang walang ibig tumakbo at lumaban kay Daniel ngayong darating na eleksyon.
Happy birthday…
Birthday greetings sa June-born celebrants tulad nina John Lloyd Cruz, Ruffa Gutierrez, Jake Cuenca, Maureen Mauricio, Biboy Arboleda, Efren Reyes at advance happy birthday kay ex-First Lady Imelda Marcos sa July 2.
- Latest